nanung bayu keka? KABALEN!!!
here's the winning entry.Digital awards eyes Kapampangan comedy film
http://www.sunstar.com.ph/pampanga/digital-awards-eyes-kapampangan-comedy-film
MANILA -- Surprised young Kapampangan director Paul "Sisigman" Laxamana received the 1st Philippine Digital Award in short film category at World Trade Center on Thursday evening from his entry entitled "Balangingi."
http://bulacanpampanga.multiply.com...KENYU..._KAPAMPANGAN_DIN_KAMING_MGA_BULAKENYO...KAPAMPANGAN KE RING BULAKENYU... KAPAMPANGAN DIN KAMING MGA BULAKENYO...Apr 4, '09 11:05 PM
for everyone
MARAMING mga Bulakenyo ang napapaisip kung bakit ang kanilang mga apelyido, ang mga kamag-anakan, at ang mga gawai (e.g.: libad at batalla sa Calumpit at Pulilan) ay parang mula pa sa mga Kapampangan. Iniisip rin ng iba na baka dahil sa magkatabi lamang ang Bulacan at Pampanga ay nakapasok na lamang sa Lalawigan ng Bulacan ang mga Kapampangan.
Marami ring nagugulat sa mga ilang detalye ng kasaysayan ng Bulacan na nababanggit ang Pampanga. Lumalabas sa mga talang pangkasaysayan na ang Bulacan ay tunay na dating bahagi ng Pampanga, at ang mga Bulakenyo, kung pagbabatayan ang mga talang pangkasaysayan ng mga Kastila, inilarawan nila ang Bulacan bilang may wikang kaiba sa ginagamit ng mga taga-Maynila na Tagalog. Samakatuwid, ang Bulacan (at itoý mababasa sa ulat ni Don Miguel de Loarca noong 1582 sa mga encomiendas ng La Pampanga) ay inabutang nagsasalita ng kapampangan, bagamat may ilang bahagi noon ang Bulacan na unti-unting natatahanan ng mga Tagalog, lalo na ang lambak ng ilog ng matandang Meycauayan (na ngayon ay mga bayan ng Bocaue, Pandi, Sta. Maria, Obando, Valenzuela, San Jose del Monte, Marilao, at ang Meycauayan) at ang Hagonoy.
Makikita ang malaking bakas ng mga Kapampangan sa mga pangalang-lugar o toponimya ng mga purok, barangay, at bayan ng Bulacan. Halimbawa na lamang dito ang Pandi. Hindi matagpuan sa lumang diksyunaryong Tagalog ang katagang pandi, liban na lamang sa isang kataga na pandi-pandi (na mayroon din sa diksyunaryong Kapampangan ni Fray Diego Bergano) na ang ibig sabihin ay maliit na watawat. Ayon kay Dr. Lino Dizon ng Tarlac State University, posibleng mula ito sa salitang kapampangan na "pande"na ang ibig sabihin ay panday. Itoý dahil na rin sa nasa may tabi ito ng Angat na kung saan ay laganap ang pamamanday dito dala ng mayaman ang lugar sa bakal. Sinasabi rin na umabot hanggang sa Angat ang teknolohiya ng pagpapanday ng mga Kapampangan, mula kay Pande Pira (Panday Pilak sa Tagalog) ng Capalangan, Apalit.
Isa pang halimbawa ay ang pangalan ng Guiguinto. Maaaring mula naman ito sa salitang Tagalog na "giginto" na iba pang tawag sa salagintong insekto na kadalasang makikita sa kaparangan at palayan. Maaari itong suportahan ng tala ni Loarca noong 1582 na kung saan inilarawan niya ang Bulacan bilang isang malawak na palayan at bulakan, at magpahanggang ngayon ay isa ang Bulacan sa nangungunang tagapagprodyus ng palay sa bansa. Ayon kay Joel P. Mallari ng Juan D. Nepomuceno Center for Kapampangan Studies, maaaring mula ito sa salitang Kapampangan na "gigintu" na ang ibig sabihin ay kumikinang ng parang ginto. Tulad ng paliwanag ni Dr. Dizon sa Pandi, teorya ni Mallari ay tinawag itong Guiguinto dahil na rin sa nasa rehiyon ito ng Angat na kung saan mayaman ito sa mineral, lalo na sa bakal. Mula sa Ilog Angat, ang mga ilog nito nalumuluslos pababa ng Guiguinto ay maaaring nagdadala ng mga ginto mula sa hilaga.
Bukod sa Guiguinto, nariyan pa ang mga barangay nito na maaaring may pinagmulang Kapampangan. Tulad ng Malis na ang ibig sabihin sa Kapampangan ay umalis (na ayon sa kasaysayang lokal ng Guiguinto, ang tinutukoy na umalis dito ay ang visita ng Malis na nailipat sa tabi ng bagong calzada noong sa Guiguinto noong panahon ng mga Kastila); ang Ilang-ilang, na ayon sa mga matatandang tala ay ang orihinal na baybay ng pangalang ito ay Alang-ilang, na kung sisilipin ang Diccionario de la Lengua Pampango ni Fray Bergano, ang orihinal na tawag ng mga Kapampangan sa puno ng ilang-ilang ay alang-ilang, na ng lumaon ay naging ilang-ilang. Nariyan din ang Cutcut na kung uugatin mo sa wikang Tagalog ang kahulugan nito ay ngangahulugang "kinayos o kinaskas ng daliri o maliit na bagay." Higit na mas makahulugan ang pakahulugan ng salitang "kutkut" sa Kapampangan na ang ibig sabihin ay "nahukay o nailibig o naisakang lupa dala ng paghuhukay o marahas na agos ng tubig o ilog."
Marami pang ibang lugar sa Bulacan na maaaring maiugat sa Kapampangan, tulad ng Baliuag na ayon sa dating direktor ng Institute of Kapampangan Studies ng Angales Unversity Foundation na si Kragi Garcia, itoý pangalan ng isang uri ng nara na ang tawag ng mga Kapampangan ay baliwag; ang Mayumo sa pangalan ng San Miguel de Mayumo (at halos ang malaking bahagi ng San Miguel) ay mula sa salitang Kapampangan na mayumu na ibig sabihin ay "matamis" dahil ayon sa mga tala, nanggaling sa San Miguel an g mga pulot-pukyutan na ikinakalakal ng mga Dumagat sa kapatagan; ang Calantipe sa Baliuag na isang uri ng lamang-tubig o oyster (na kung saan, katabi lamang ito ng Calantipe, Apalit, ay posible na noong unang panahon ay iisang barangay lamang ito); ang Meyto, Calumpit na mula sa Kapampangang salita na "maitu" na ang ibig sabihin ay "mahito"; maging ang pinagmulan ng unang republika sa Asya na Cacarong de Sili sa Pandi ay maaaring mula sa Kapampangang salita na "kakarung" na tumutukoy sa tunog na agos ng ilog na parang kumakarung o kumukurong; gayundin ang Malolos na mula sa salitang Kapampangan na "luslos" na ang ibig sabihin ay mga ilog na ang direksyon ay patimog patungong Look ng Maynila, at posibleng ito ay naging Maluslos dahil sa dami ng luslos dito, at ng dumating ang mga Kastila ay naging "Malolos;" ang Batasan at King Kabayo sa San Miguel na mula sa Kapampangang salita na "batasan" na ang ibig sabihin ay shortcut na ilog, at ang King Kabayo na mula naman sa katagang Kapampangan na "king kabayu" na ang ibig sabihin ay "sa may kabayo."
Ang Bahay-saliksikan ng Bulacan (Center for Bulacan Studies) ng Bulacan State University ay kasalukuyang itinatala ang mahigit pang daang mga pangalang-lugar na posibleng mula sa mga Kapampangan. Ilan lamang ito sa mga pangalang-lugar na masasabing may pinagmulang Kapampangan.
Ang Bulacan, ayon kay Gov. Hen. Gomes Perez Dasmarinas sa kanyang ulat sa Hari ng Espana noong 1592, ay bahagi ng La Pampanga, na kung saan, ang kabisera ng Pampanga na tinukoy ni Dasmarinas ay ang bayan ngayon ng Bulakan. Sang-ayon naman sa Expediente ng Pampanga, ang Bulacan ay pormal na naihiwalay sa Pampanga noong 1755. Sa panahong ito, ang kabisera ng Pampanga ay nailipat sa Bacolor dahil ang bayan ng Bulakan noon ay naging kabisera ng Bulacan.
Ang mga bayan ng Calumpit, Baliuag (kasama ang Bustos), Pulilan, at San Miguel de Mayumo ay ang mga huling bayan ng Pampanga na naisanib sa Bulacan noong 1842 dahil sa ang naging hangganan ng Bulacan at Pampanga ay ang Pinac de Candaba. Ang mga bayang ito ay pinanahanan magpahanggang-ngayon ng maraming mga Kapampangan, subalit nagsimula itong maging bayang Tagalog nang ang Inglatera ay sinakop ang Maynila noong 1762 at ipinag-utos ni Gov. Hen. Simon de Anda y Salazar na ilipat ang maraming Tagalog ng Maynila at Laguna sa mga bayang ito sa pansamantalang panahon, habang ang Maynila ay nasa gitna ng Seven Years War sa pagitan ng mga Kastila ay Ingles. Subalit, ng matapos ang digmaan noong 1764 sa bansa, hindi na nagawang umalis ng mga Tagalog sa mga lugar na ito.