daily menu » rate the banner | guess the city | one on oneforums map | privacy policy | DMCA | news magazine

Go Back   SkyscraperCity > Asian Forums > Philippine Forums > Around the Philippines > Photography, Heritage and Architecture > Literature and Languages

Literature and Languages The Great Filipino Photo Contest

Reply

Thread Tools
Old March 9th, 2010, 09:39 PM   #2241
TheAvenger
Guardian Angel

TheAvenger's Avatar

Join Date: Apr 2006
Location: Erehwon
Posts: 1,161
Likes (Received): 283

ANG MG̃A ANÁK DÁLITA

ANG MG̃A ANÁK DÁLITA

(NOBELANG TAGALOG)

SINULAT NI

Patricio Mariano

UNANG PAGKALIMBAG

MAYNILA: 1911

Limbagan at Aklatan ni I.R. Morales
Liwasang Miranda, 11-13, Kiyapo.

ÍNDICE

Pág.

I. Si Teta 7

II. Ang mag-iná 11

III. ˇGumigiliw! 16

IV. Si Pedro 21

V. Paghabág ng̃ puhunan 24

VI. Walang katubusan 27

VII. Isáng alamát ni Ata 29

VIII. ˇPangarap! 32

IX. Dalawáng puso 35

X. Ang lihim ni Ata 40

XI. Ang yaman at ang puri 47

XII. Ang mg̃a manggagawa 53

XIII. Sa haráp at sa likód 56

XIV. Ang puso ng̃ dukha 60

XI. Patawad 65

XVI. ˇPaalam! 68

XVII. Katapusan 71

Sa mańga binibining manggagawa.

Sa inyóng may mura at mahinang bisig

na maghapong araw, sa sipag, ay gamit,

sa inyó ko handóg yaríng aking awit,

bilang paghang̃a ko sa pagmamasákit

na inyóng itanggól, sa tulong ng̃ pawis,

ang sariling búhay at tagláy na linis.

Sa bábasa.

Kaibigan ka man ó di kapanalig,

kasuyo ó hindi, kaaway ó kabig,

di ko hiníhing̃ing huwag mong isulit,

sa akin, ang pula na ibig ikapit.

Di ko mawiwikang ipagpaumanhín

ang mali ó lisya na iyong mápansín,

sabihin mong lahát ang ibig bangitín;

may kalayaan ka, di ko sinisiíl.

Di akó gagaya sa ibáng katulad

na hihing̃ing awa ó ipahahayag

na kutád ang isip at bubót ang hagap;

kapós palá'y żbakit nang̃ahás sumulat?

Kaya ng̃a't antáy ko ang iyong pasiya

yamang ikáw'y siyang susuri't lalasa;

ng̃uni't ang hilíng ko'y pintás pantás sana

ang iyong gamitin sa mg̃a mábasa.

Di ikasásama nitóng kalooban,

pintasán man itó, ng̃uni't tama lamang;

ang dáramdamín ko'y ikáw ang wikaang:

mangmáng palá'y ibig magdunóng-dunung̃an.

Kaya ng̃a't bago ka magsabi ng̃ hatol

ay magnilay muna, gamitin ang dunong

(kung matalino ka) at saká ipatong

ang wíwikain mong di na mahahabol.

Dapwa't, kung sakali, namáng, ang mangyari'y

dúdulutan akó ng̃ iyóng papuri,......

ˇMaraming salamat! (maraming marami)

ng̃uni't nilayin din na lubhang mabuti.

Pagka't ang tawa man, kapág nábulalás

ay hindi na tawa kung hindi halakhák;

labis na puri'y, karaniwang banság,

kung minsan ay tuya't kung minsan ay libák.

ANG KUMATHA.

Páhiná 7

Ang mańga anák dálita.

I.

SI TETA.

Sa isáng tahanang lubhang marálita

na áalang̃án pa sa pang̃alang dampa'y

may isáng babaing yayát at matandá

na wari'y may sakít, kaya't nakahiga.

Sa kaniyang siping, na abót ng̃ kamáy,

ay may isáng mangkók na lugaw ang lamán

at sa dakong paa'y mayroong uupán

na wari'y gawa pa ng̃ amáng si Adán.

Ang tang̃ing kasama ng̃ sangkáp na itó

ay isáng tampipi't isáng baul mundo,

isáng panahian, kaputol na kayo

at ilang balumbón ng̃ sutlang naguló.

Ang lahát ng̃ iyo'y siyáng kayamanan

niyóng maralita't babaing may damdám

kung di mápupuná ang isáng larawan

ng̃ himalang gandá na nasa batalán.

Páhiná 8

Isáng binibining ang tindíg at anyo,

ay nakaáakay sa gawang sumuyo

at ang kanyáng titig na lubhang maamo

ay makabibihag sa alín mang puso.

Yaóng mg̃a pisng̃í, na nagnakaw mandín

ng̃ kulay sa rosa't sa magandáng jazmin,

ay natítimbang̃án ng̃ matáng maitím

na wari'y hahalay sa mg̃a bituín.

Ang isáng makapál at mahabang buhók

na nábabalumbón sa malakíng pusód

ay inalong dagat ang nákakaayos

dahilán sa inam ng̃ pagkakakulót.

Itó ang himalang hindi nábibilang

sa mg̃a nákita na hiyas sa bahay,

kahit masasabing sa kahalagahan

ay siya ang lalong palamuting mahál.

Lalo't kung mabatíd na siya ang anák

ng̃ babaing iyong sa sakít ay lagmák,

at siya ang isáng tang̃ing naghahanap

at nagmamasakit sa buhay na salát.

Siya ang paroon, siya ang parito,

gawa niya yaón, gawá niya itó,

sa maghapong araw, ang mahinang butó,

ay di natitigil ng̃ kahit gaano.

At sa dinádaláng sadyáng kaliksiha'y

kasangkáp na tagláy iyóng kabaitan,

kaya't kahit sinong magíng kapanayám,

ay nang̃awiwili na siya'y pakingán.

Sa unang sandaling ating pagkákita

ay damít ang pigil at siya'y naglabá

at nang makatapos, tinignán ang iná

kung sa pagkáhiga ay nakabang̃on na.

Páhiná 9

Ng̃uni't nang inabot ang ináng may sakít

ay di kumikilos sa hihigáng baníg,

kaya't tinulung̃an, sa gawang pagtindíg,

upang ang pagkain ay huwag lumamíg.

Kanyáng iniupo ang ináng may damdám,

at saká kinuha ang laang linugaw;

—Kumain ka iná—ang wikang tinuran—

ng̃ upáng lumakás ang iyong katawán.

—Ay giliw kong bunso—ang sa ináng turing—

kung tayo'y mayaman, di mo sasapitin

ang hirap na itóng wari'y sapínsapín

na nagpapasasang sa ati'y umiríng.

Kundi bagá gayó'y akóng isáng iná

na dapat tumulong ay nakadagdág pa

sa mg̃a gáwaing iyong dinádalá,

sa paghahagiláp niyong kakanin ta?

Ang tao ng̃a palá, sa mundóng ibabaw,

ay dapat mag-impók ng̃ ukol sa buhay,

pagka't kung humina'y walang pagkukunan ...

"ang hindi nagbaló'y walang tatang̃aran".

At pag sumapit na sa panahóng salát

ay walang suling̃ang dapat maapuhap

at ang nálalabíng kaya niyong palad

ay ang maghinagpís, tumang̃is, umiyak.

Gaya na ng̃a nitóng sa ati'y sumapit,

salát na salát na, akó pa'y may sakít,

at ang kahinaan niyang iyong bisig

na murang mura pa'y siyang kinakatig.

Ikáw, sa maghapo'y walang hintong gawa

at di dumadaíng kahit ka na pata

żsinong pusong iná ang di maáawa

sa isáng gaya mong labis mag-aruga?

Páhiná 10

—Aanhín mo iná, sa tayo'y mahirap,

—ang maamong sabi ng̃ giliw na anák—

ng̃uni kahit tayo madalás magsalát

ay wala sa atin namáng isusumbát.

Ang tang̃i ko lamang ikinalulumbáy

ay ang di paggalíng ng̃ sakít mo ináng;

kung sa ganáng akin salát ó mayaman

pag nasa piling mo'y ligaya ng̃ tunay.

żAanhín ang buhay na lubhang pasasa

kundi mákikita ang iná kong mutya?

żaanhín ang laging walang ginagawa

kung ikáw iná ko'y dí kinákaling̃a?

Mahang̃a'y ganitóng laging nasasalát

at sa bawa't kilos kitá'y nayayakap;

ang yaman, sa akin, ay hindi ang pilak

kundi ang matamís na iyong pagliyag.

Mawika ang gayón, sa noo'y hinagkán

at saka niyakap ang ináng magulang;

—Itó ang yaman ko—ang muling tinuran—

at itó ang tang̃ing aking kasayahan.

Matapos masunód ang nasang paghalík,

isinakandung̃an ang ináng may sakít.

ˇOh! gayón na lamang ang bukong pag-ibig

at gayón na lamang ang likás na baít.

You may continue reading at Jibrael Angel 2 Blog :

http://jibraelangel2blog.blogspot.com/
TheAvenger no está en línea   Reply With Quote

Sponsored Links

Old March 10th, 2010, 12:23 AM   #2242
Maxxclip
Maximus Expelliarmus

Maxxclip's Avatar

Join Date: Jul 2007
Posts: 1,584
Likes (Received): 5

nice
Maxxclip no está en línea   Reply With Quote
Old March 11th, 2010, 12:26 AM   #2243
TheAvenger
Guardian Angel

TheAvenger's Avatar

Join Date: Apr 2006
Location: Erehwon
Posts: 1,161
Likes (Received): 283

Quote:
Originally Posted by RonnieR View Post
Doctrina Cristiana - I didn't know that it is in Tagalog
UST to exhibit oldest book

One indication of the growing prospects for another papal visit is that the Vatican has agreed to ship to the Philippines its copy of “Doctrina Cristiana,” the first book to be printed in the Philippines. The copy will be displayed in “Lumina Pandit (Spreading the Light),” a multimillion international exhibit at the UST Miguel de Benavides Central Library that will run July 2010 to January 2011, when the papal visit is expected to take place.

For the last 2 days I copied and posted in my blog the "Doctrina Cristiana"
I have taken from Project Gutenberg.

Doctrina Christiana - The first book printed in the Philippines, Manila, 1593. – part 1
http://jibraelangel2blog.blogspot.co...k-printed.html

Doctrina Christiana - ( part 2 )
http://jibraelangel2blog.blogspot.co...rinted_11.html

Doctrina Christiana - ( part 3 )
http://jibraelangel2blog.blogspot.co...inted_142.html

Doctrina Christiana - ( part 4 )

http://jibraelangel2blog.blogspot.co...na-part-4.html

Project Gutenberg :

http://www.gutenberg.org/wiki/Main_Page
TheAvenger no está en línea   Reply With Quote
Old March 12th, 2010, 05:11 AM   #2244
TheAvenger
Guardian Angel

TheAvenger's Avatar

Join Date: Apr 2006
Location: Erehwon
Posts: 1,161
Likes (Received): 283

Ang Mananayaw

Ang Mánanayaw.

Jóvenes qué estais

bailando, al infierno

vais saltando.

SIMULA

Pati: Mánanayaw. Alan~ganing tindíg; ni mababŕ ni mataas; katawáng malusóg, makatás, sariwŕ; m~ga matáng malalaki't bugháw, dalawáng bintanŕng pinanúnun~gawan n~g isáng káluluwáng nag-iinit, nag-aalab sa nin~gas n~g apóy n~g isáng damdaming batis na dinádaluyan n~g alíw, alíw n~g sandalî na nakalúlunod, nakaíinís at nakamámatáy sa bawŕ't káluluwáng maligň sa kanyá.

Sawî: Túbong lalawigan, binatŕng nag-aaral sa Maynilŕ. Buhat sa mabuting lipě, angkán n~g m~ga mayaman, si Sawî ay isáng binatŕng lumakí sa lilim n~g pananaganŕ: kimî, mahihiyâin, ugalěng babae, si Sawî ay hindî kaparis n~g m~ga binatŕng walâng ibáng minimithîmithi kundî ang mátulad sa isáng paróparó, sa isáng bubuyog, na tuwîna'y hanap ang m~ga bulaklák, upáng simsimín ang kaniláng ban~gó,

Tamád: Isáng hampás-lupŕ, isáng hampas-bató, na gaya n~g tawag sa kanyá n~g madlâ. Ulila sa amá't ulila, sa iná. Walâng asawa, ni anák, ni kapatid, ni kamaganakan kungdî ... si «Ligaya»; ligayang pará sa kanyá'y hindî natatagpô sa alín mang dako, sa alín mang poók, máliban sa m~ga bilyar, sabun~gán, pangginggihan, bahay-sáyawan at m~ga bun~gan~gŕ n~g impierno na sa bálana'y laging nakaumang.

—Tamád, żkumusta ang ibon?

—Mabuti, Pati, maamň na n~gayón.

—żHandâng pumasok sa kulun~gán?

—ˇOh, walâng pagsalang hindî siyá pápasok!

—żAnó ang sabisabi niyá sa iyó tungkól sa akin?

Paris din n~g m~ga unang salitâ na náiukol ko sa iyó nang tayo'y unang magkátagpô sa isáng handáan: na, ikáw ay magandáng katulad ni Venus, paris n~g Talŕ sa umaga. ˇUmiibig na sa iyó! Maáasahang siyá'y bihag mo na....

Binuksán ni Pati ang kanyáng dalawáng labě na nagpúpulahan upáng paraanín ang isáng matunóg na halakhák.

—Con qué, umiibig na sa akin, há?

—At pagháhanapin ka mámayâ.

—żSaán? żsaan mo akó itinurň?

—Sa bahay-sáyawan.

—Sa makatwíd palá ay nálalaman nang akó'y mánanayaw? żat anó ang sabi sa iyó? żhindî ba niyá nábabasa ang m~ga páhayagáng, hindî miminsan at mámakalawáng nagsásabog diyán n~g m~ga balitŕng diumanó'y hindî m~ga babae ang m~ga mánanayaw sa «suscrición» kundî isáng tungkós na m~ga talimusák?

—Medio ... medio sinabi niyá sa akin ang ganyán; n~guně't tinugón ko siyáng ang gayóng balitŕ'y mangyáyaring magkátotoó, kung minsán, at mangyayari rin namáng hindî, «Si Pati»—ang wikŕ ko sa kanyá,—«iyóng dalagang ipinakilala ko sa iyó sa handâang dinaluhán natin ay isáng matibay na saksí n~g katotohanang ang isáng magandáng perlas ay mangyáyaring mápaliblíb sa gitnâ n~g burak....»

At tumigil sandalî ang nagsásalita upáng lumagók n~g laway at magpatuloy, pagkatapos, sa m~ga ganitóng pan~gun~gusap:

—At si Sawî (ang ibong pinagúusapan nilá)—ay naniwalŕ namáng ikáw ay isáng «magandáng perlas», isáng dalagang mahinhín, may puri, maran~gal....

—żAt hindî na itinanóng kung bakit akó nápapasok sa bahay-sáyawan?

—Itinanóng żbakit hindî? n~guně't ang dilŕ ni Tamád, ang dilŕ n~g bugaw mong si Tamád, ay nang m~ga sandalîng yaó'y lumikhâ n~g m~ga pan~garap na sa kanyáng bibíg ay larawang mistulŕ n~g katotohanan, katotohanang nákita, sinaksihán n~g kanyáng tin~gín. At sinabi ko sa kanyáng hálos maagnás ang luhŕ ko: ˇOh, Sawî, kung nálalaman mo ang buông kasaysayan ni Pati, n~g magandáng Pati, na hináhan~gŕan mo n~gayón, ay dî sásalang siyá'y málalarawan sa m~ga balintatáw n~g m~ga matá mo na katulad n~g isáng banál na babae, n~g isáng ulirán n~g kadalagahan. Pagkâ't siyá, ang habol ko pa, ay isáng ulilŕng dumanas n~g dî gágaanong kasawîan sa buhay, nagíng magpapalimos, nagíng manghihin~gě, at nang ayaw nang lawitán n~g awŕ n~g m~ga tinátawagan ay napilitang pumasok na alilŕ, ipinagbilí ang lakás sa isáng mayaman ... dapuwŕ't....

—żAnó pa?
—Ang mayaman, ang dugtong ko, sa haráp n~g walâng kaagáw na dilág ni Pati, ay nagnasŕng paslan~gín ang kanyáng dan~gál.

—ˇPaslan~gín! Mainam kang magtátatahítahî n~g kasinun~galin~gan. żAt anó pa ang aking ginawâ?

—Na ikáw ay tumutol sa gayóng karumíng adhikâ.

—żAt pagkatapos?

—Nilisan mo ang bahay na pinaglílingkurán upáng pumasok sa pagkamánanayaw.

—Samakatwíd, ang tapos ni Pati, pará kay Sawî, akó'y isáng banál na babae, isáng ulilŕnginapí n~g Palad, nagíng magpapalimos, manghihin~gě, alilŕ, alipin, sa madalîng sabi; at dahil sa pagtatanggól n~g puri ko'y iniwan ang bahay n~g mayaman, upáng pumasok ... żgayón n~ga ba?
—Ganiyán n~ga.

ˇOh, kung ipinahintulot n~g Dios na ang m~ga kasinun~galin~gan, bago makalabás sa bibíg n~g m~ga nagsísinun~galíng, ay magíng apóy muna...!

Si Pati, pará sa ating nakakakilala sa kanyá, ay isáng isdâng kapak, na sa labás ay walâng ibáng ipinatátanáw kundî ang kintáb n~g kaliskís, bago sa loób ay walâng ibáng madádamá kundî ang mabahňng burak. Siyá'y hindî lamang kirí, hindî lamang salawahan; higít sa kirí't salawahan, si Páti ay isáng tunay na salarín, isáng mangbibitay n~g m~ga káluluwáng nahúhulog sa kanyáng kandun~gan.

Batŕ pa lamang, hálos bagong sumísiból pa lamang, si Pati'y pinagkatakután na n~g m~ga binatŕ sa kaniláng pook. ˇBakit hindî, sa, bálana'y sinagután n~g óo, bálana'y pinan~gakuan, bálana'y sinumpâan; m~ga pan~gakň at sumpâng bawŕ't isá'y pinatítibayan sa pamamagitan n~g isáng sanlâ, n~g isáng lágak, na hindî na mabábawě kailán man!

N~guně't ... nagsasalitâ na namán si Tamád; pakinggán natin:

—Pati—aniya—mamayâ'y hindî sásalang dádalhín ko sa iyó ang ibon.

—Dáratíng kayóng handâ na ang haula.

At naghiwaláy ang dalawá.

II.

—ż ... ?
—ˇ ... !

At nároón na silá sa unang baytáng n~g hagdanang patun~go sa bayan ni Plutón: sa bahay-sáyawan. Náuuná si Tamád, ang tuksó, at si Sawî ay sumúsunód sa dako niyáng hulihán.

Ang Templo n~g masayáng diosa Terpsícore, nang m~ga sandalîng yaón ay maitútulad sa isáng Hardín n~g Kaligayahan: doón at dito'y walâng námamalas ang tin~gín kundî ang m~ga bagong Eba, ang m~ga bagong Adán, doón at dito'y nagsabog ang m~ga bulaklák, nagsalisalimbayan ang m~ga paroparó.

Pagdatíng na pagdatíng n~g magkasamang si Sawî't si Tamád sa bahay-sáyawan, si Páti, na nag-aantáy na sa kanilá ay malugód na sumalubong at nakan~gitî, nakatawang bumati sa kanilá:

Nan~gáligaw kayó rito....

Si Sawî'y hindî tumugón. Ang m~ga salitâ ni Pati, ang m~ga bigkás na yaóng mandi'y pinulután sa tatamís, ay isáisáng sumapit sa pusň n~g natítigilang binatŕ. ˇAnóng gandá ni Pati nang m~ga sandalîng yaón!

Sa loób n~g kanyáng damít na nan~gán~ganinag sa dalang, sa malas ni Sawî ay siyá ang nákita ni Flammarión sa kanyáng pan~garap: taong ilaw ang pinakalamán, at ang m~ga kamáy ay dalawáng bagwís.

Si Tamád, na nakákita sa ganitóng pagkakápatigil n~g kanyáng kasama, ay kumindát n~g isá kay Pati at lihim na itinurň yaón: «ˇTalagáng torpe n~gâ!»

Noo'y isáng hudyát n~g tugtugin ang náriníg:

—ˇBals!—ang panabáy na turing n~g m~ga naíiníp na m~ga mánanayaw.

At umugong ang malakíng salón sa kiskís n~g m~ga sapatos.

Si Pati na nálalayô na sa dalawáng magkasama, pagsisimulâ n~g sáyawan ay mulîng lumapit kay Sawî:

żIbig pô ninyóng sumayáw?—ang magiliw na tanóng.

—Hindî pô ... bahala na pô ... mámayâ na pô kung sakali.—At tumindíg na tila nainitan sa pagkakáupô; dinukot ang panyô sa bulsá at pinahid ang pawis na sa noó'y butílbutíl na sumísipót.

—ˇMahíhiyâin pa ang tunggák! ang naibulóng tulóy n~g magandáng mánanayaw. At tinalikdán ang binatŕ na hálos padabóg. Tila nagálit sa gayóng pagtanggí n~g inanyayahan.

Ang gayón ay náhalatâ ni Sawî, kayâ't paanás na násabi sa sarili, nang siyá'y naúupô na:

—ˇBakŕ nagalit ah!...

At lalňng nag-ulol pa ang ganitóng pan~gan~gambá n~g binatŕ, nang mákitang si Pati ay kinúkuha na n~g isáng makisig na bailarín:

—ˇSayang at hindî ko siyá napairugan!

żSinóng lalaki ang kumuha sa kanyáng magandáng mánanayaw?

żKatipán na kayâ niyá?

żKasintahan na kayâ?

M~ga ganitóng pag-iisip ang gumuguhit sa gunitâ n~g binatŕ, nang sa súsugat sa kanyáng pandiníg ang tanóng ni Tamád.

żBakit hindî ka sumayáw? At hindî na binigyáng panahón na ang inusisŕ ang makasagót pa, at si Tamád ay nagpatuloy sa kanyáng pagtuksó:

—żNaníniwalŕ ka bang sa m~ga bahay-sáyawan ay walâng dumádaló kundî ang m~ga taong walâng kabuluhán?

—Hindî sa gayón, katoto....

—żNaníniwalŕ ka ba—ang ulit ni Tamád—na sa m~ga bahay-sáyawan ay walâng ibáng dumádayo kundî ang m~ga hampás n~g Dios na nagkalat diyán? Ah, nagkakámalî ang m~ga may ganitóng paniwalŕ, at saksíng matibay n~g kamalěang itó ay ang nakikita mo n~gayón, kaibigang Sawî. Ang ginoóng iyáng kasayáw ni Pati ay isáng abogadong kilalá sa m~ga pook na itó n~g Maynilŕ ... ang ginoóng yaón—at itinurň ang isáng umíikit na kayapós namán n~g isáng babaeng habâan ang mukhâ at singkít ang matá ang ginoóng yaón ay isáng farmaceútico; at itó, itóng nagdáraán n~gayón sa tabí natin na may kawíng pang bulaklák sa tapat n~g dibdíb, ay isáng mayamang mán~gan~galakál....

Anó pa't ang lahát n~g m~ga nároón ay isáisáng ipinakilala ni Tamád kay Sawî: may m~ga estudiante de derecho, m~ga nag áaral n~g medicina, m~ga mán~gan~galakál, m~ga polítikó, at m~ga ibá pang «pag-asa n~g Bayan,» wikŕ n~gŕ n~g Dakilŕng Bayani n~g Lahě.
N~guně't ang m~ga ganitóng pagpapakilala ni Tamád ay hindî warě pansín n~g kanyáng kinákausap, pagkâ't itó, pagkatapos niyáng humintô, ay walâng ibáng náisagót kundî:

żSinó ang kasayáw ni Pati?

Ang ganitóng pagwawalâng bahalŕ n~g kanyáng kaniíg ay hindî ikinapoót ni Tamád. ˇBagkús ikinagalák pa n~gŕ! Náhalatâ niyáng sa pusň ni Sawî, nang m~ga sandalîng yaón, ay walâ nang ibáng nagsísikíp kundî ang larawan n~g kanyáng kandidata, at walâ nang ibáng naririníg ni nakikitang anó pa man ang binatŕ kundî ang mahinŕng sagitsít n~g sapatos ni Pati sa tablá n~g salón at ang kanyáng mapanghalinang tindíg.

Si Sawî, pusňng lagěng tikóm sa hibň n~g pagkakásala, n~gayó'y untî-untîng nabúbuksán sa tawag n~g isáng bagong damdamin, damdaming aywán niyá kung anó, datapwŕ't nálalaman niyá, óo, na ang damdaming yaó'y walâng pinag-iwan sa bagang nagbíbigáy init sa isáng kaldera, apóy na gumigising sa dating tulóg at nagbíbigáy siglá sa dating malamíg na pusň.

Ang bulaklák na noóng una'y takót sa halík n~g araw, n~gayó'y bumúbukád sa hagibis n~g bagyó.

Samantalŕng ang m~ga pareha'y nagsalísalimbay, sa gitnâ n~g salón; samantalŕng ang m~ga pareha'y walâng hintô n~g bulun~gan, kálabitan, kindatan, kúrutan, at kung minsá'y ang pálitan n~g matatamís na salitâ; si Sawî, sa luklukang kinarórooná'y walâng ibáng iníisip-isip kundî kung «paano ang paraang dapat niyáng gamitin upáng maparating sa taya n~g mapanghalinang binibini ang m~ga itinítibók n~g kanyáng káluluwá.»

—Tamád ang pamulîng tawag sa katabí—ibig kong akó'y pagtapatán mo: żanó ang tunay na kalágayan ni Pati? żDalaga ó may asawa? żmalayŕ ó may katipán?

—żNálimutan mo na ba ang maliksíng tugón n~g tinanóng ang m~ga isinagót ko sa iyó noóng unang tayo'y magkásama hinggíl din sa m~ga ganyán mong pag-uusisŕ?

—Marahil ... żanó ba ang sinabi mo sa akin noón?

—Sinabi ko sa iyóng si Pati'y dalaga at walâng asawa, malayŕ at walâng katipán.

—Samakatwíd....

—Samakatwíd ang agád na habol ni Tamád—samakatwíd si Pati ay malayŕ, malayŕng tulad n~g isáng isdâ sa tubig, n~g isáng paróparó sa halamanan, n~g ibon sa alapaap.

—Kung siyá kayâ'y pag-alayan ko....

Náhalatâ ni Tamád ang tun~go n~g, ganitóng pananalitâ ni Sawî; kayâ't hindî na inantáy na matapos pa at matuling sumagót:

—żBakit hindî? żbakit hindî mangyáyaring siyá'y pag-alayan n~g pag-ibig? żHindî ba't ikáw ay isáng binatŕ, at siyá'y isáng dalaga? żHindî ba't ikáw ay isáng makisig na bagong-tao at siyá'y isáng magandáng binibini? żBakit hindî...?

—Katotong Tamád, tila mandín biníbirň mo akó.

—żBinibirň kitá? Hindî ko pa sinásabing lahát sa iyó ang m~ga nálalaman ko tungkól sa babaeng iyán, pagkâ't nan~gán~gambá n~gâ akóng bakâ ka malulŕ....

—żMalulŕ?

—Kung sabihin ko sa iyóng si Pati ay tila ... tila....

—żTila anó?

—Tila nagkákagustó sa iyó....

—ˇNagkákagustó! ... żDiyatŕ? żdiyatŕ't si Pati'y nagkákagustó sa akin?

—żAt bakit mo namán násabi ang gayón?—ang usisŕng may halňng pananabík.

—żBakit hindî'y sa minámasdán ko ang bawŕ't kilos niyá?

Noó'y nagkátaóng si Pati'y tumítin~gín kay Sawî. Nápansěn ni Tamád ang gayón. Kinalabít ang kanyáng kapulong at ang bigkás na pan~gitî:

—ˇNákita mo na ... dî n~gayón ay tiningnán ka na namán!

—ˇTunay!—ang náibulóng ni Sawî sa sarili.—ˇAt, anóng lagtkít na sulyáp ang kanyá, anóng lambíng, anóng pagkásarápsaráp!

Natapos ang unang bals.

Sa ikalawáng hudyát n~g tugtugin na nagbalitŕ sa m~ga nároon n~g isáng mainam na two-step, si Sawî ay hindî na nakatiís:

—ˇIbig kong sumayáw sa kanyá!

At noón dî'y iniwan ang likműan, madalîng lumapit kay Pati, at ang magalang na samň:

—żIbig pô ba ninyó akóng paunlakán?

Sa ganitóng katanun~gan n~g binatŕ, si Pati'y hindî man lamang nagbuká n~g bibíg; subalě't pinasagót ang maputî't maliít niyáng kamáy na noó'y agád ikinawit sa bisig n~g nag áanyaya.

M~ga matáng sana'y bumasa sa pusňng lalaki, noón pa'y nábanaagan na ni Pati ang kanyáng nálalapít na tagumpáy:

—ˇHuli na ang ibon, huli na, huli na!—ang magalák na bulóng sa sarili.

At nang silá'y sumayáw na ay pinapaglarô n~g gayón na lamang sa kamáy n~g kanyáng kayapós, ang maliít at malantík niyáng baywáng.

Si Sawî, sa ganitóng laláng n~g babae, ay untîuntîng nanglíliít na animo'y isáng kandilŕng naúupós sa hihip n~g han~gin.

At ang makamandág na samyô n~g sampagang kanyáng sinísimsím n~g m~ga sandalîng yaón ay hinayhinay nang tumátagós sa kaibuturan n~g kanyáng damdamin.

ˇUmíibig na siyá ... at umíibig n~g isáng pagíbig na taós, maálab, morubdób, na gaya n~g isáng sigâ sa alň n~g han~gin, gaya n~g isáng sunog sa buhos n~g gás!

Bawŕ't n~gitî ni Pati, bawŕ't sulyáp na panukáw na ipakň sa kanyá, ay mariíng tumítimň, bumábaón, sumúsugat sa dibdíb n~g na sa pan~ganib na si Sawî, paris n~g pagtimň, pagbaó't pagsugat n~g isáng mahayap na palasô.

—Aling Pati—ang kimíng tawag sa kasayáw—kung akó pô kayâ'y pumarito gabígabí ay mákakasayáw ko kayó?

—Bakit pô hindî?—ang malambíng namáng tugón n~g tinanóng.

Ang binatŕ natin, ang torpeng si Sawî, sa ganitóng paoo ni Pati, walâng ibáng maisagót kundî isáng banayad na:

—Salamat pô.

At hindî na umimík pang ulî hanggáng sa matapos ang sáyawan. Si Simoun, ang kasindak sindák na Simoun sa Filibusterismo ni Rizal, pagkapaglapat n~g m~ga dahon n~g pintűan n~g Templo ni Terpsícore ay nagpamalas sa m~ga nan~gín~giníg niyáng labě n~g isáng mapagkutyâng n~gitî; at sakâ sinabing:

—ˇBuena está la juventud!...

III.

Si Sawî ay walâ nang pagkásyahán n~g pag-ibig kay Pati.

Bawŕ't saglít na dumaán, bawŕ't saglít na yumao, ay isáng palasô na namáng umíiwŕ sa kanyáng dibdíb.

—ˇOh, Pati! ... żkailán mo pa málalamang iníibig kitá? żkailán mo pa málalamang ang pusň ko'y nagíng dambanŕ na n~g iyóng mahál na larawan? żkailán mo pa málalamang si Sawî'y walâ nang ibáng dinárasáldasál kung hindî ang pan~galan mong walâng kasingtamís?
Dilŕng kimî, gapós n~g pagpipitagan, si Sawî ay nagtítiís manirá na lamang sa m~ga himutók at buntóng-hin~gá. żMagtapát kay Pati?

—Kung akó'y halayin? żKung hindî pakinggán ang idáraíng ko? żkung birůbirůin ang pag-ibig? ˇAy!...

Dapwŕ't, kung natátantô niyáng si Pati ay isáng maáwŕing walâng dî nilimusán n~g kanyáng pag-ibig, kung natátantô niyáng si Pati ay isáng maawŕing walâng pinagkaitán n~g kanyáng habág, kung natátantô niyáng si Pati'y walâng ibáng ináantay-antáy kundî isáng kalabít na lamang, ang isáng salitâng sukat maghiwatig n~g kaniyáng, damdamin upáng lúbusan nang ipagkatiwalŕ sa kanyá ang kanyáng káluluwá, ang kanyáng katawán; ang m~ga gayóng hinagpís at pag-aálinlan~gan ay hindî na sana sumagě sa kanyáng gunitâ.

N~guně't si Sawî ay isáng singkí pa; kayâ't hindî niyá nálalamang, sa Maynilŕ, ang salitâng «Mánanayaw» ay nákakatugón n~g m~ga salitâng «mangdadambóng sa lilim n~g batás», «magnanakaw sa loób n~g bahay.»

Kung nálalaman niyáng sa m~ga bahay-sáyawan ay hindî ginágamit ang m~ga salitâ upáng sabihing: «Iníibig kitá,» «ibig kitang kánin» kundî sukat na lamang ang m~ga suliyáp, kindát at kalabít, disin si Pati'y malaon n~g nagíng kanyá, ó sa matuwí'd at lalňng tumpák na sabi, siyá'y nagíng kay Pati.

Bagamán, ang kanyáng m~ga pag hihimutók ay hindî rin lubhâng naglawíg, pagkâ't noóng isáng gabíng si Pati'y manaog sa bahay-sáyawan, upáng umuwi na sa bahay, ay nagkapalad siyáng mápasama rito, sa túlong at awŕ n~g kanyáng kaibigang si Tamád.
—ˇBinibining Pati: ang tawag n~g binatŕ, nang silá'y nagsásarilí na sa gitnâ n~g dilím—żmagalit ka pô kayâ kung akó'y may sabihin sa iyó?

—Kung makagágalit pô ... ang tila pabirňng sagót n~g tinanóng.

Si Sawî ay napatigagál.

żPaáno ang kanyáng gágawin?

żSaán siyá maglúlusót n~gayón?

ˇNatakpán ang bútas na kanyáng ibig paglagusán.

Maláong hindî nakaimík.

Sa haráp n~g ganitóng pangyayari, si Pati ay lihim na nápan~gitî:

—ˇTalagáng singki n~gâ!—ang na wikŕ sa sarili.

Nang hindî pa rin humúhumá ang binatŕ ay si Pati na rin ang nagabaláng maglawít n~g silň.

—Ginoóng Sawî:—ang bun~gad—kung hindî pô akó namámalî ay tila nákita ko na kayóng minsán, bago kayó makaratíng sa aming pinagsásayawán.

—żSaán pô?—ang patakáng saló n~g binatŕ.—żSa lalawigan kayâ, sa marálitâng lalawigan na aking kinákitaan n~g unang liwanag?

—Hindî pô, dito rin pô sa Maynilŕ ... aywán ko na pô lamang kung saán at kailán; n~guně't nákita ko na kayó.

—Dakilŕ pô ang palad ko kung magkakágayón.

—Akó na n~gâ pô lamang yatŕ ang talagáng abâng-abâ, sapagkâ't nákita na'y hindî pa nápansín.

—ˇBinibini! ... ˇBinibining Pati! ... ˇHindî ko kayó nápansín? żDatapuwŕ't mangyáyaring kayó'y hindî ko mapansín?

—Talagá pông gayón na n~gâ lamang ang nan~gápakaliliít na paris ko.

—ˇNapakaliít! żPaano pông mangyáyari, na, ang isáng pinaglílingkurán ay magíng maliít pa kay sa isáng naglílingkód?

—żPinaglílingkurán pô, ang sinabi ninyó?

Umandáp andáp ang pusň ni Sawî at nag-alaalang bakâ siyá ay nápapabiglâ na ... n~guně't, ˇpag asa at lakás n~g loób! Ang napagdaanán na'y hindî na dapat pagbalikán. ˇAdelante! ang wikŕ n~gâ ni Golfin sa Marianela ni Galdós, ˇadelante, siempre adelante!

—Opň—ang patibay n~g walâng kagatólgatól ang dilŕ—pinaglingkurán pô, ang aking sinabi.

—ˇPinaglingkurán pô akó! at żnino pô?

—A ... a ... akó pô.

Si Pati ay lihim na nátawá.

Si Sawî ay lihim na nan~giníg.

—ˇLumálabis yatŕ ang kapan~gahasan ko?

At inantáy na sumagót ang dalaga, paris n~g pag-aantáy n~g isáng násasakdál sa pasiyá n~g isáng hukóm.

Ang palad ni Sawî, nang m~ga sandalîng yaňn, ay nábibitin sa m~ga labě ni Pati. żAnó ang itútugón sa kanyá? żOo? ˇOh, lan~gít! ... żHindî? ˇOh, kamátayan!

Si Pati, matapos mapindót ang sikmurŕ na sumásakitsakít din dáhil sa pinípigilang pagtawa, ay bumigkás n~g ganitó:

—Ginoóng Sawî: żkinúkutyâ mo pô yatŕ akó?

—ˇHindî pô; túnay na túnay pô ang aking sinabi. ˇOh, kung mangyayáring mabuksán ang aking pusň!...

Patuloy ang kaniláng pag-uúsap.

Mulâ sa malayň, sa isáng pitak n~g lan~git, ay pumaibabaw sa tin~gín ang isáng anakě'y búndók na kakulay n~g usok, ang úlap, ang makapal na úlap, sugň n~g nagbábantâng ulán.

Noón, ang m~ga naglálakád ay kasalukuyang dumáratíng na sa tapat n~g isáng accesoria na nátitirik dakňng kaliwâ n~g maluwáng na lansan~gan n~g Azcárraga.

—Umakyát pô muna kayó—ang anyaya ni Pati sa binatŕ—maaga pa pô namán.

ˇMaaga pa!

żMaaga pa ang sabi n~g babaeng yaón, gayóng magíikaisá na sa hatinggabí?

ˇIbáng-ibá n~gâ namán ang m~ga babaeng Maynilŕ kay sa m~ga babaeng lalawigan! ...—ang náibulóng tulóy sa dî masiyaháng pagtataká sa gayóng náriníg.

Gayón man ay sinagót din n~g isáng taós na pasasalamat ang nag-áanyaya. At umakmâng tâtalikód na upáng umuwî sa kanyáng bahay; dátapwŕ't ˇpagkakátaón! noó'y bumubos ang ulán.

Isáng mapagtagumpáy na n~gitî, ang namulaklák sa m~ga labě ni Pati:

—ˇTalagáng másisilň na ang ibon!

At mulî't mulîng inanyayahan ang binatŕ hanggáng sa itó'y matapos sa pagpapahinuhod:

—Yamang tulot mo pô ...—ang marahang sagót na bábahagyâ nang náriníg ni Pati.

Unang umakyát si Pati. Sa likurán niyá'y sumunód si Sawî.

Sa itaás n~g bahay, ang unang napansín ni Sawî ay ang maayos na m~ga palamuting doón ay nagsabit, ang m~ga kuadrong nan~gagpápan~gagáw sa inam, ang m~ga larawan, paisaje, at m~ga ibá pang sukat makaalíw sa tin~gín.

Isáng batŕng paslít ang dinatnán nilá sa bahay na itó, na, utusán ni Pati.

—Bulilít—ang tawag n~g may bahay sa alilŕ, pagdatíng sa hulíng baytáng sa itaás—bigyán mo n~g silya ang tao.

Ang inutusa'y maliksíng tumupád.

Naupô si Sawî; at ang batŕ ay nawalâ sa kanyáng haráp.

Si Pati, samantalang pinagkúkurús n~g binatŕ ang dalawá niyáng kamáy sa pagkakaupô, ay pumasok sa silíd n~g bahay upáng ayusin ang kanyáng buhók na naguló sa bahay-sáyawan, at nang mulîng mapulbusán ang mukháng noó'y humúhulas sa agos nang pawis.

At bago lumabás ulî ay makailán munang binikásbikasan ang kanyáng bihis at itinanóngtanóng sa sarili kung ang ayos niyáng yaó'y sapát nang makapagpalundág n~g isáng pusň sa kanyáng kinalálagyán. At nang tila nasiyahán na ang loób ay sakâ pa lamang naupô sa isáng luklukang may gadipá lamang ang layô sa kanyáng panauhin.

ˇAnóng pagkâgandágandá ni Pati noón sa malas ni Sawî!

—ˇOh—ang nawikŕ tulóy—magíng si San Pedro man na panót ang tuktók, magíng si San Juang mapun~gay ang matá't magíng si San Pascual na maamň ang mukhâ, sa haráp n~g ganitóng dilág ay sápilitáng mabúbuyó sa pagkakásal!

ˇAt siyá, siyá pa n~gâ bang isáng hamak na tao lamang ang hindî matuksó?...

—Pati! ˇaling Pati! ... ang sunódsunód na tawag na kasabáy n~g pan~gin~giníg n~g boông katawán.

Ang tinawag ay hindî sumásagót. N~guně't nápapan~gitî n~g lihim, pagkâ't noón ay nahalatâ niyáng ang makamandág na init n~g kanyáng katawán ay tumátaláb na sa pusň ni Sawî.

At si Pati ay lumapítlapít pa sa kanyáng kausap, at nakatawa, nakasulyáp na sakdál n~g saráp.

Si Sawî ay lalňng nan~giníg.

Si Pati ay lalň pang lumapit sa kanyá, lalň pang nilambin~gan ang n~gitî, lalň pang pinun~gayan ang suliyáp.

Ibig nang tumakbó si Sawî, ibig nang sumigáw, ibig nang tumakas, upáng makailag sa tuksó.

ˇDaráng na daráng na sa init!

N~gunět noó'y siyáng pagdampî sa kanyáng kamáy n~g nagpúputia't m~ga tabas kandilŕng dalirě ni Pati, at kasunód ang magiliw na usisŕ:

—żAnó pô ang dináramdám ninyó? ˇnanglálamíg kayó!

—Opň ... opň ... nanglálamíg n~gâ pô.

At sabáy nagtindíg sa pagkakáupô, ibunukás ang dalawâng bisig at iginapos sa liíg ni Pati, at ang samňng namámasag ang tinig:

—ˇPati, Pati, patawarin akó...!

IV.

Mulâ nang unang gabí na kanyáng pagsamyô nang layaw sa kandun~gan n~g magandáng Pati, si Sawî ay nanumpâan nang magíng isá sa lalňng masikap na kampón n~g diosa Terpsícore.

Siyá'y isáng pusakál nang mánanayaw.

Ang m~ga aklát na dati niyáng kaulayaw pagdatíng n~g gabí, n~gayó'y siyáng m~ga matalik niyáng kaaway.

ˇNi isáng sulyáp man, ni isáng saglít pang pakikiníg sa kanilá!...

Ang lahát nang kanyáng panahón ay lúbusang ipanaubayŕ na sa m~ga alíw n~g sandalî.

At ang kanyáng káluluwá, parang isáng katawáng kulang at salát sa pagkain, untîuntî nang nanunsiyami, untîuntî nang nalúluoy, untîuntî nang naíinís sa dilím na noó'y bumábalot sa kanyáng maulap na lan~git.

At mulŕ noó'y walâ nang ibáng pinan~gápan~garáp kundî magpakalasíng sa paglagók sa alak n~g pag-ibig sa m~ga maninipis at mapupulâng labě n~g kanyáng marilág na Pati.

Si Pati, pará sa kanyá'y siyá nang lahát: pag-asa, ligaya, pag-ibig, kaluwalhatěan....

ˇOh, ang makamandág na binhî, ang pag-ibig sa isáng salaríng katulad ni Pati, ay lumagô at nag-ugát sa pusň ni Sawî!

Minsán, sa isáng pag-uusap nilá, ay malinaw na nápalarawan ang kadakilŕan n~g kanyáng pag-ibig sa magandáng mánanayaw:

—Pati, Pati ko aniya,—żtunay bang akó'y iyóng minamahál?

Si Pati, sa ganitóng kahalin~gán n~g binatŕ, ay minsáng namuwalan sa bugsô n~g isáng pagtawang inimpít.

—Sumagót ka, Pati ko, sumagót ka sana.

—Oo—ang bigáy-loób n~g mánanayaw—óo, Sawî ko, gíliw kong Sawî, minámahal kitá.

—żGaya kayâ n~g pagmamahál ko sa iyó?

—Higít pa; makálilibo pang mahigít. Iníibig kitá paris n~g pag-ibig n~g bulág sa araw, iníibig kitá paris n~g pag-ibig n~g isdâ sa tubig, iníibig kitá paris n~g pag-ibig n~g banál sa Dios. żNasísiyahán ka ná?

—Pati, Pati ko. żtunay ang iyóng sinabi?

—Paris n~g katotohanang madilím ang gabí, may init ang araw, may lamíg ang buwan; paris n~g katotohanang akó ay may pusô, ikáw ay may atáy; paris n~g katotohanang ikáw ay maganda, akó ay pan~git.

—Pati, Pati ... at tinutop ang kanyáng dibdíb na tila ibig máwalat sa pitlág n~g pusňng noón ay dumanas n~g dî gágaanong alíw.

At bago pinigilan si Pati sa manipís niyáng baywáng, hinagkán sa noó n~g isáng matunóg at mahabŕng halík at....

—Pati ko—ang turing—żnaríriníg mo ba ang masinsíng tibók n~g aking káluluwá? żHindî? ... pakinggán mo: sinásabi niyáng ikáw raw ang kanyáng búhay, ikáw raw ang kanyáng ligaya, ikáw raw ang kanyáng lan~git ... żnálalaman mo na?

—ˇNamán!

—At sinabi pa niyáng—ang patuloy ni Sawî na tila hindî pansín ang «namán» ni Pati—at sinásabi pa niyáng siyá ay nagtayô n~g isáng dambanŕ sa lalňng lihim na pitak n~g aking damdámin, dambanŕng sinabugan n~g mapuputîng sampagita upáng suubín sa kanyáng mahinhíng halimuyak ang larawan n~g isáng babae, n~g isáng banál, n~g kanyáng magandáng Pati....

Ang lintâ, pagkatapos n~g isáng linggóng pananabíknabík sa dugô n~g kulang-palad na si Sawî, ay hindî na nakatiís.

—ˇDapat na siyáng magbayad!

At mariíng ikinápit ang kanyáng matatalím na n~gipin sa bulsáng saganŕ sa pilak n~g walâng malay na binatŕ:

—Sawî ko, gíliw kong Sawî, bigyán mo akó n~g limáng piso upáng máibilí ko n~g barň.

Ang hinin~gán ay latág ang palad na sumagót:

—Náritó, mutyâ ko, tanggapín ang hiníhin~gî mo.

Nagdaán ang unang araw; dumatíng ang ikalawá.

Ang lintâ, ang matakaw na lintâ, ay mulîng sumigíd na namán:

—Sawî ko, gíliw kong Sawî, bigyán mo akó n~g sampűng piso na máibilí ko n~g saya.

ˇSampűng piso na n~gayón!

Gayón man, si Sawî ay hindî rin tumanggí sa gayóng pag-íibayo n~g halagá. At....

—Náritó, mutyâ ko, tanggapín ang hiníhin~gi mo.

Nagdaán ang ikalawáng araw at dumatíng ang ikatló.
At ang lintâ, ang lintâng kailán ma'y hindî na yatŕ masísiyahán, noón ay pamulîng sumigíd na namán nang sigíd na lalňng mariín pa kay sa m~ga una, lalň pang malakás; at....

—Sawî ko, gíliw kong Sawî—na namán bigyán mo akó n~g dalawáng-púng piso na maibilí n~g sapín, pulbós, paban~gó, medias at....

ˇDalawángpűng piso na!

Dapuwŕ't si Sawî, ang magarŕng si Sawî, ay dumukot pa rín sa kanyáng supot na malamán:

—Náritó, gíliw ko, ang sagót na namáng tila hindî pansín ang kanyáng pagkakápalaot—náritó ang hiníhin~gî mo.

At hindî sa lamán lámang humáhanggá ang kirót n~g m~ga kagát ni Pati, n~g lintâng si Pati, sa katawáng namúmutlâ na n~g binatŕ, kundî hanggáng sa m~ga butó pa, na pinagtiinán n~g kanyáng matatalím na n~gípin.

Minsán, sa kaniláng pagsasarilí, si Sawî ay nagpakasawŕng magdampî n~g m~ga labě niyá sa m~ga namumúrok na pisn~gi ni Pati. Itó, pagkatápos maparaán ang gayóng kahiban~gán n~g binatŕ, ay tumanóng na may halňng birň:

—żIláng halík ang ibinigáy mo sa akin?

Si Sawî, lasíng sa m~ga sulyáp ni Pati, sa sin~gaw n~g kanyáng malusóg na katawán, ay sumagót na dî magkangtututo:

—Isá ... dalawá ... tatló ... apat ... sampú, labínglimá ... ˇmarami! ˇˇmaramingmarami!! ... aywán ko na ba kung ilán.

—Báwa't halík ay babayaran mo n~g piso.

—ˇPiso!...

żSaán hindî masasaid ang bulsá ni Sawî sa ganitóng pamamaraán ni Pati?

Ang bariles, punôngpunô man, pag hindî naampát ang paglabás n~g tagas ay dáratnán din n~g pagkatuyô.

At gayón ang nangyari sa kulang pálad na binatŕ: untîuntîng naubos ang yaman, baytángbaytáng na bumabâ sa kailalimang pinagháharěan n~g dilím, dilím n~g pananalát, dilím n~g karálitâan.

żAnó pa ang kanyáng gágawín? żMan~gutang? żMagsanlâ? żMagpalimós?

Tila salun~gát sa pagkatao niyá ang m~ga ganitóng gawâ.

N~guně't żpaano si Pati? żpaano ang kanyáng pag-ibig kay Pati? Mangyáyaring siyá'y uminóm n~g luhŕ, n~g sarilingluhŕ, bagamá't masakláp; mangyáyaring siyá'y magtiís n~g gutom; dapuwŕ't ˇiwan si Pati, iwan pa si Pati! ... Ang gayó'y tunay na dî niyá maáatím, pagkâ't si Pati ang kanyáng «pag-asa,» si Pati ang kanyáng «luwalhatě,» si Pati ang kanyáng «buhay,» si Pati ang araw n~g kanyáng káluluwá, si Pati ang init na nagbíbigay siglá, lakás at tibók sa kanyáng pusň.

ˇOh, si Pati ay isáng halaman at ang pusň niyá'y isáng halamanan!

At ang halama'y nag ugát at hindî na mangyáyaring bakbakín pa sa lupŕng kinátutubůan kundî isásabog ang lupŕng iyán; ˇat ang lupŕng iyá'y ang pusň ni Sawî!

M~ga iláng araw nang siyá'y hindî sumísilay sa bahay ni Pati dahil sa dináranas niyáng pananalát. żSaán pa siyá magnánakaw n~g pilak na ikasúsunód sa pithayŕ n~g babaeng itó?

—ˇAh, mabuti ay magsanlâ na!

At nagsanlâ.

At naúbusan na namán.

Nan~gútang: naúbos din.

At nanghin~gî: gayón din.

—ˇOh! żanó pa ang aking gágawín?

żSumúlat sa kanyáng m~ga magúlang?

N~gayó'y walâ na siyáng amá, walâ na siyáng iná, ni kapatíd, ni kamaganakan. Lahát ay sumawŕ na sa kanyá. ˇSiyá'y itinatákuwíl n~g kanyáng m~ga pinagkákautan~gan n~g buhay!
żAt sinong banál na m~ga magulang ang hindî tátalikód sa m~ga anák na paris niyá?

Lusakin ang kaniláng dan~gál pagkatapos maubos ang pilak na kaniláng natipon sa tulong n~g tiyagâ at walâng humpáy na pakikiagaw sa masun~git na kabuhayan; kaladkarín ang kaniláng pan~galan sa lansan~gan, payurákyurakan sa bálana, ipakutiyâ-kutiyâ, ˇoh, anóng gaming-palŕ sa kaniláng pagmamahál!

At hindî pa rito lamang humáhanggá ang pagkapariwarŕ ni Sawî: mulâ nang siyá'y magkábaónbaón na sa utang, mulâ nang siyá'y magíng maghihin~gě, mulâ nang siyá'y magíng karumaldumal na pag-uugalě, ang m~ga dati niyáng kasama sa páaralán, ang m~ga dati niyáng kasama sa m~ga pasyalan, ang m~ga dating nagbíbigáy sa kanyá n~g pamagát na katoto, ay isáisá nang nan~gilag sa kanyá, isá-isá nang natakót, paris n~g paglayô't pan~gin~gilag sa isáng may sakít na nakaháhawa.

At lalň pa mangdíng nag-iibayo ang hapdî n~g m~ga ganitóng kasawîan kung siyá'y nakakasalubong sa daán n~g m~ga dating kakilala na pagkakákita sa kanyá'y walâ nang ibáng pan~gunang batě kundî ang isáng halakhák, ang isáng mutunóg na halakhák, ang isáng n~gitî, ang isáng mapagkutiyâng n~gitî; n~gitî at halakhák na kung minsa'y sinásabayán pa n~g isáng pagdalirě sa kanyá at n~g m~ga salitâng:

—Nariyán ang hampás-lupŕ.

Bawŕ't bigkás na ganitó'y isáng palasô namáng tumitimň't sumúsugat sa kanyáng pusň, sugat na labis nang hapdî sugat na labis nang anták.

—ˇLimutin ko na kayâ si Pati! ... ang takót na naisangguně sa sarili, nang minsáng siyá ay náhihigâ na.

N~guně't ˇoh, pagkakataóng labis n~g sun~git!

Nang siyá'y na sa m~ga ganitóng paghahakŕ, ay siyáng pagkáriníg sa kanyáng pintůan n~g tawag n~g isáng boses na kanyáng ikinápaban~gon.

—żSinó?—ang tanóng sa tumawag.

At lumapit sa pintűan na noó'y minsáng bumukás sa tulak n~g dalawáng malakás na bisig.

—ˇSi Tamád!—ang nasambitlâ agád ni Sawî nang mákita ang dumatíng.

—El mismo, ang sagót n~g sinambít—akó n~gŕ.

Si Sawî, pagkakita sa taong itó na nagíng sanhî n~g kanyáng pagkakápalun~gě, ay minsáng dinalaw n~g poót, nan~gunót ang mapalad at mataás na noó, nanlísik ang dalawáng matá na nápatulad sa dalawáng apóy, at....

—ˇTamád!—ang sigáw na kasing-tunóg n~g kulóg—ˇláyas, láyas sa bahay ko!...

Nágulat si Tamád.

żBakit gayón ang pagkakásalubong sa kanyá n~g dáting magiliw na katoto? żanó ang nangyari?

—ˇTamád! ang nárinig pa niyáng ulit ni Sawî—ˇláyas, láyas sa bahay ko n~gayón dín!

Si Tamád, pagkaraán n~g sandalîng pagkakápamanghâ, parang kawal na pinagsaulán n~g ulirat, pagkaraán n~g unang ulán n~g punlông kaáway, ay patawá at paaglahěng tumanóng:

—Chico, chiquito, żbakit ka nagkakáganyán?

—Tamád: huwág nang sumagót. Iwan ang báhay ko n~gayón din.

—ˇBáh, kung akó'y walâng sadyâ sa iyó!...

—żSadyâ? żanông sadyâ pa ang sinásabi mo?
—Akó'y pinaparito niyá—ang matuling sagót n~g bugaw ni Pati—akó'y pinaparito NIYA, ang ulit pang nang-lalakí ang boses at sakâ minalas malas ang kanyáng kausap na tila bagá warěng sinúsukat ang kanyáng m~ga pananalitâ.

Ang dating namúmulâng mukhâ ni Sawî, noón ay namutlâ.

żSinóng niyá ang sinásabi ni Tamád? żSi Pati?

ˇOh, pan~galang walâng kasingtamís, Venus na walâng kasinggandá!

Nápansín ni Tamád ang ganitóng pagbabago ni Sawî, kayâ't nagpatuloy n~g pagsasalitâ.

—Akó'y inutusan niyá rito upáng sabihin sa iyóng ...—at ang patalím ay untîuntîng ibinaón sa pusň ni Sawî hanggáng sa itó'y dumatíng sa m~ga sandalîng humin~gî n~g tawad kay Tamád sa kanyáng pagkápabiglâ.

—Ipagpaumanhín mo, kaibigan, ang aking pagkakámalî: żanóng bilin niyá ang dalá mo sa akin?

At buông pananabík na inulit-ulit ang ganitóng tanóng:

—Ipinagbilin niyá sa akin ang paós at marahang paklí n~g inúusisŕ —na sabihin ko sa iyóng ikáw raw ay nagmámalakí n~gayón....

—ˇNagmamalaki!...

—Kung nálalaman mo kung gaanong luhŕ, ang itinapon ni Pati n~g dahil sa m~ga iláng araw na hindî mo pagdalaw sa kanyá....

—Luhŕ, lumuhŕ si Pati n~g dahil sa akin?

—Lumuhŕ n~g dahil sa iyó. Pagkâ't kung dî akó namámalî, ay ... tila, tila may hináhabol sa iyó.

—ˇAng puri niyá!—ang náibulóng ni Sawî sa sarili.

ˇPuri! ... mainam na puri ang sa isáng talimusák.

Samantalang si Sawî ay natítigilan sa m~ga ganitóng pag-íisip, si Tamád, sa kanyáng sarili'y walâng hintô namán n~g kábubulóng:

—ˇTalagáng martir n~gŕ ang binatáng itó! ˇiláng sun~gay ang na sa ulo niyá! ˇmahigít pa sa isáng demonio sa impierno!

Pagkatapos ay hinaráp na pamulî ang kanyáng dinalaw at ang m~ga hulíng bigkás:

—Sawî: bukód sa pasabi ni Pati, ay nárito ang isáng sulat niyáng ipinadádalá sa iyó....

At yumao nang walâng liwagliwag.

Nanabík si Sawî na binuksán ang liham.

Doó'y nabasa niyá ang sumúsunód:

Ibon ko:

Mag-iisáng linggó na n~gayóng akó'y inúulila mo sa laot n~g m~ga himutók at pagluhŕ. ˇIsáng linggóng hindî ka mákita, pará sa aki'y isáng linggóng pagkamatáy n~g Dios!

żNálimot mo na kayâ ang kulang palad na si Pati? żnálimot mo na kayâ ang abâng mánanayaw, pagkatapos manakaw ang kanyáng PURI? żnálimot mo na kayâ ang m~ga dakilŕng sandalî na dinanas sa kanyáng piling? żnálimot mo na kayâ ang m~ga dampî n~g labě mong ibinakás sa aking m~ga pisn~gi, m~ga dampîng hanggá n~gayó'y nararamdamán kong wari'y nag aalab pa sa apóy n~g pag ibig? żnálimot mo na kayâ ang m~ga sandalîng sinamyô sa aking kandun~gan, sa nin~gas n~g aking m~ga suliyáp, sa lambing n~g aking m~ga n~gitî, sa tunóg n~g aking m~ga halík?

żNálimot mo na ba?

żNálimot mo na ba ang gabíng yaón na ikáw ay máhimláy sa m~ga bisig ko na, minsán, makalawá't maikatlóng AWITIN ang m~ga tagumpáy ni Kupido? żnálimot mo na ba ang sandalîng yaón na iyóng isinimsim sa m~ga labě ko n~g walâng kasingtamís na pulňt n~g pag ibig? żnálimot mo na ba ang m~ga sandalîng yaóng katasin sa m~ga labě ko ang alak na nakalálasíng ni Kupido?

żNálimot mo na ba?

żNálimot mo na ba ang m~ga sandalîng, sa bugsô n~g iyóng nag aapóy na damdamin ay sinabi mo sa aking: «Pati, ikáw ang pusň ko, ikáw ang buhay ko, ikáw ang diosa ko»?

żNásaan ang pagtupád sa m~ga ganitóng pan~gakň?

ˇAy, Sawî! ˇay, ibon ko! pumarito ka't sa lahát n~g oras ay bukás na áabutan mo ang haulang nagíng pugad n~g ating m~ga ginintűang pan~garap n~g ating m~ga ligaya't alíw!
ANG KALAPATI MO.
Si Pati, babaeng walâng káluluwá kundî pawŕng lamán, ay nátutong magtirik n~g m~ga karayom sa m~ga talatang itó n~g kanyáng liham, m~ga karayom na siyáng dumurň at sumigíd sa hayop, sa maban~gis na hayop, na iníin~gatan in Sawî sa pusň: ang pag-ibig sa kanyá.

At noó'y isaisáng nagban~gon sa alaala n~g binatŕ ang m~ga gunitâ n~g nagdaán, parang m~ga patáy na sa tawag n~g Mánunubos ay mulîng nagsilabás sa hukay n~g libin~gan.

At ang ganid, ang ganid na alagŕ ni Sawî sa kanyáng pusň, ay minsáng nagban~gon, uman~gil, pumalág, hanggáng sa si Sawî ay mapatindíg sa pagkakáupň at ulit na masabing:

—ˇPati, Pati, papariyanán kitá!...

WAKAS.

Hating gabí.

Madilím, maulap ang lan~git, at ang han~gin na animo'y isáng mahabŕng hinin~gá, ay kasalukuyang nagn~gin~gitn~git; kayâ't bawŕ't datnín n~g kanyáng malakás na hampás ay tumutunóg, umáan~gil na anakě'y tumátanggáp n~g isáng ubos diíng sampál.

Mápamayâmayâ'y bundókbundukang usok ang napatanáw sa malayň.

Makasandalî pa'y bumuhos ang ulán.
M~ga kulóg na nakabibin~gáw ang dumadagundóng sa lupŕ, at sa lan~git ay nagháhagarán ang matatalím na lintík na anakě'y m~ga gintông ahas.

Sa malapad na liwasan n~g Azcárraga, sa oras na itó ay isáng mahiwagŕng naglálamay ang napamámasíd.

żSinó siyá?

żSinóng káluluwŕ ang matapang na naglálamay sa gitnâ n~g ganitóng sigwá?

Nagtútumulin sa kanyáng paglakad, tun~gó ang ulo, at walâng lin~góng-likód.

N~gayó'y dumáratíng na siyá sa tapát n~g bahay na nátitirik sa gawîng kaliwâ n~g líwasan. Sa bahay na itó'y walâng tumátanglaw kundî ang isáng ilaw na kúkutikutitap.

Hakbánghakbáng na lumun~go sa pintűang noó'y nálalapat pa ang dalawáng dahon, n~guně't nang siyá'y nálalapit na ay siyáng pagkabukás nitó sa tawag n~g isáng nakatalukbóng na itím.

At isáng mukhâ ang sumilip doón, mukhâng babae, ˇang mukhâ ni Pati!

—żPumarito pa kayâ?—ang tanóng sa mánanayáw n~g aninong tumawag sa pintô.

—Hindî na; marahil ay hindî, pagkâ't umúulán. Tumulóy ka.

Ang pinagsabihan n~g ganitó ay túluyang pumasok sa loób.

Samantalŕ, ang naiwan sa labás, ang unang násumpun~gán natin sa haráp n~g ganitóng námasdán, ay minsáng napakagát-labě at ang nagn~gán~galit na turing:

—ˇOh, tila dinadayŕ akó!

At sandalîng natigilan na áandáp-andáp ang loób.

żSinó ang kanyáng pinapasok? Kilos lalaki, lalaki sa kanyáng tayô, kilos at pan~gan~gatawan ... ˇDinádáyŕ akó! ˇˇdinayŕ akó!! Pati, Pati, magbabayad ka, pagka nagkátaóng napatunayan ko ang aking panibughô!

At ipinatulóy ang kanyáng paglakad: sandalîng tumigil sa labás n~g pintűang pinasukan n~g unang nákita na natin, at pagdatíng doón ay marahang nakimatyág. Walâ, walá siyáng máriníg.

Minsáng itinulak ang pintűan, patakbóng pumasok sa loób, at hálos sa isáng lundág lamang ay dumatíng sa itaás n~g bahay.

Nang naroroón na'y isáng káluskusan sa may dakong silíd ang kanyáng náhiwatigan.

—żSinó ang nag-uusap na naririníg ko?

ˇTinig ni Pati ang isá at ang isá ay tinig lalaki!

—ˇN~gitn~git n~g Dios! ... ˇtinátaksíl akó! ˇˇtinátaksíl akó!! ˇˇˇtinátaksíl akó!!!...

Ang katulad n~g isáng balíw na labnót ang buhók, nagaalab ang dalawáng-matá, na pumasok sa loób n~g silíd.

ˇOh, kataksilán!...

—ˇSi Pati, sa piling ni Tamád!

Si Sawî (na dî iba't kundî itó ang dumatíng) sa haráp n~g gayóng pag-yurak sa kanyáng dan~gál ay biglâng dinatnán n~g isáng dilím n~g tin~gín.

Lumapit sa dalawá na bumubugá n~g apóy ang panin~gín, nanínindíg ang m~ga balahibong animo'y maliliít na pakňng nagtimň sa kanyáng balát, at bágo nilurhán sa mukhâ si Pati, nilurhán sa mukhâ si Tamád, at si Pati at si Tamád ay kapuwŕng pinisíl sa liíg n~g tigisáng kamáy.

—żDios ko?—ang panabáy na sambit n~g m~ga sinakál.

Noón ay minsáng nabuksan ang m~ga labě ni Sawî, m~ga laběng nagdúrugűan pa sa baón n~g n~gipin, at ang matunóg na sigáw sa lalaki:
—ˇImbíl!...
At sa babae'y

—ˇMagdarayŕ!...

Si Pati'y hindî nakahuma.

Si Tamád, na warě'y nadaráng sa alab n~g poót ni Sawî, ay umambâng tátakbó.
N~guně't, ang malalaking dalirě n~g binatŕ ay lumatay noón sa mukhâ n~g bugaw:
—ˇAnák ni Lusiper! żIbig mong tumanan? ˇAh, duwág!
—ˇPatawad!...
—ˇPatawad! ... żpatawarin kitá pagkatapos dumhán ang pagkatao ko? żpatawarin kitá pagkatapos na akó'y maibulíd sa impierno, pagkatapos na akó'y matuksó, at akó'y malinláng?

—Hindî na....
—Hindî na ... żhindî na, pagkatapos na akó'y masipsipán n~g katás, pagkatapos na akó'y maghirap, pagkatapos na akó'y mainís sa kandun~gan n~g babaeng itó?—at sabay itinurň si Pati, na noó'y nan~gan~gatál sa takót.
—At ikáw—ang pihit dito—na nagíng dahil n~g aking m~ga kasawîang dinanas; ikáw, na nagíng dahil n~g aking pagkakápalayô sa m~ga dating kaibigan; ikáw, na nagíng dahil n~g aking pagkakápalayô sa amá't iná, n~g pagbawî sa akin n~g kaniláng pagmamahál; żnasaán ang pusň mo upáng akó'y gantihín n~g ganitóng kataksilán? żMainam na bayad sa pilak ko na iyóng nilusaw; mainam na bayad sa dugô ko na iyóng ininóm!
Si Pati ay nan~gín~giníg na sumagót:
—ˇPatawarin!...
—żNálalaman mo, Pati—ang patulóy ni Sawî—nálalaman mo kung gaano ang nagíng halagá n~g pag-ibig ko sa iyó? Pilak, maraming pilak ... gintô, gintóng dakótdakót. Gintô't pilak na bawŕ't piraso'y nagkákahulugán n~g isáng sarong pawis, isáng sarong dugô n~g aking m~ga banál na magulang.
—żAt ang pan~galan ko—ang dugtóng na hálos mahirin sa nag úunaháng piglás n~g m~ga salitâ—ang aking pan~galang n~gayó'y siyáng hantun~gan n~g lahát nang pulŕ, n~gayó'y isáng sukal na kinaririmariman n~g lahát nang bibíg, paris n~g pagkarimarim sa isáng pusalě, sa isáng tambakan n~g mabahňng yagít? żsaan mo inilagáy ang pagkatao ko?
Si Pati'y hindî sumasagót.
Nagpatuloy si Sawî:
—ˇAh, n~gayó'y lúbusan nang pinaníniwalŕan ko ang sabi n~g m~ga páhayagáng sa m~ga palaisdâan (bahay-sáyawan) na nilalan~guyán mo ay walâng ibáng nápapansíng kundî pawŕng isdâng kapak, isdâng pawŕng kintáb n~g kaliskís ang námamalas sa labás, bago'y pawŕng burak ang lamán n~g loób!
—ˇSawî, patawad ... akó'y walâng sala!
—ˇWalâng sala! ...—at gumuhit noón sa gunitâ ni Sawî ang m~ga pamamaraáng ginawâ sa kanyá n~g mánanayaw, ang unang pagtatagpô nilá sa isáng handâan, ang pagkakádalaw niyá sa bahay-sáyawan, ang m~ga kasinun~galin~gang sinabi sa kanyá ni Tamád tungkól sa kabuhayan n~g babaeng itó, ang lahát n~g yaón ay napagkurň niyáng pawáng laláng lamang na iniumang sa kanyá, upáng siyá, tagálalawigang walâng kamalayán sa buhay-Maynilŕ, ay magiliw na pumasok sa lambát ni Pati, na gaya n~g isáng isdâ sa pabahay n~g baklád.
At lalň pang nag-alab ang kanyáng damdamin, lalň pang nag-ulol ang kanyáng poót; kayâ't sa isáng pag-lalahň n~g isip ay minsáng dinaklót si Pati sa kanyáng gulónggulóng buhók, at ang tanóng dito sa buháy na tinig:
—żWalâ kang sala, ang sabi mo?
—Walâ, walâng walâ.
—żAt bakit, bakit walâ kang kasalanan sa aking pagkakapŕlun~gi?
Si Pati, sa ganitóng tanóng, ay kimî at hálos pabulóng na sumagót.
—Pagkâ't alám mo nang akó'y MÁNANAYAW....

End of the Project Gutenberg EBook of Ang Mananayaw, by Rosauro Almario
*** END OF THIS PROJECT GUTENBERG EBOOK ANG MANANAYAW ***
Produced by Tamiko I. Camacho and PG Distributed Proofreaders.
Produced from page scans provided by University of Michigan.
http://www.gutenberg.net/
TheAvenger no está en línea   Reply With Quote
Old March 12th, 2010, 05:13 AM   #2245

http://mirror.pacific.net.au/gutenbe...-h/14794-h.htm

Last edited by TheAvenger; March 12th, 2010 at 05:27 AM.
TheAvenger no está en línea   Reply With Quote
Old July 14th, 2010, 08:58 PM   #2246
Aerin
Registered User

Join Date: May 2008
Posts: 93

This was brought up in the Travel and Tourism thread:

Quote:
Originally Posted by Dustin View Post
Tama. Madalas mali din yung grammar natin sa Filipino.

Like for example madalas kong makita sa news yung mga tagalog na 'NAKAKALITO' , NAKAKABINGI, NAKAKASILAW'.

It should have been 'nakalilito, nakabibingi, nakasisilaw'. Sorry sa mga kapamilya pero madalas kong makita yan sa mga news item ng channel 2.

Madalas din may mali dun sa news bar nila.

DI Ba, in tagalog conjugation, what you repeat is the root word and not the prefix.?

NAKU OT NA OT.
I'm genuinely curious--is this strictly held or are there exceptions?

ex. Rey Valera's song "Kung Tayo'y Magkakalayo"--should it have been "Magkalalayo" instead? But this doesn't sound right to me, although the root word "layo" does repeat (or at least the syllable "la") in other forms, like "lalayuan or nilalayuan".
Aerin no está en línea   Reply With Quote
Old July 15th, 2010, 04:54 PM   #2247
watcher09
One Of A Kind!

watcher09's Avatar

Join Date: Aug 2009
Location: My City
Posts: 1,847
Likes (Received): 177

Quote:
Originally Posted by Aerin View Post
This was brought up in the Travel and Tourism thread:

I'm genuinely curious--is this strictly held or are there exceptions?

ex. Rey Valera's song "Kung Tayo'y Magkakalayo"--should it have been "Magkalalayo" instead? But this doesn't sound right to me, although the root word "layo" does repeat (or at least the syllable "la") in other forms, like "lalayuan or nilalayuan".
For all the languages in the the entire planet, there were actually no rules in the beginning. People made rules for standardization on purposes of teaching. Fact is, in areas wherein a certain language is used, the way the people use such is made as standard or acceptable. Language is used to communicate and to be understood, hence, many believe that being understood the proper way is enough. This is also true for pronunciation.

In our town, Nilaga is said as Nilaga. In some places, it is Linaga. Which is correct? Nilaga might be widely accepted because the majority are used to it as compared to Linaga. Whereas, who knows, Linaga was the original word whis has been used since the beginning of times? Through some mistakes, Nilaga was coined? Just a thought.

Words acceptance changes in time. Before, the words "bags", "fishes" etc. were not accepted. Today, you can see them being used in both formal or informal communications. Notice that "nakakalito" is more acceptable than "nakalilito", though, the former is wrong according to the rule. And of course, "nakalilito" is more hard to say at talagang nakakalito!

As for me, as long as we understand each other and the use of verb and other parts of speech has no infractions, that would be okay. I would rather say "nakakainis" than "nakaiinis"; "nakakaramdam" than "nakararamdam"; "nakakaalis" than "nakaaalis", etc. This way the root word is can be taken out easily from "nakaka".

By the way, what about "bighani"? Would you say "nakabibighani"? From the rule, is it the first syllable of the root word? If it is, then, it should be "nakabigbighani". Joke.
watcher09 no está en línea   Reply With Quote
Old July 15th, 2010, 05:40 PM   #2248
Sky Harbor
Green + Maroon = Blue. :D

Sky Harbor's Avatar

Join Date: May 2008
Location: Warsaw/Quezon City/Marinduque/Pittsburgh
Posts: 7,867
Likes (Received): 38

As far as I know, for example, "nakakarindi" and "nakaririndi" have the same meaning but are used in different contexts.

Help me get to Open Source Bridge 2014: donate today! :D
http://www.gofundme.com/wikimagic
Sky Harbor no está en línea   Reply With Quote
Old July 16th, 2010, 03:54 AM   #2249
Aerin
Registered User

Join Date: May 2008
Posts: 93

I appreciate the responses

Quote:
Originally Posted by watcher09 View Post
By the way, what about "bighani"? Would you say "nakabibighani"? From the rule, is it the first syllable of the root word? If it is, then, it should be "nakabigbighani". Joke.
Modified rule: the first two letters of the root word are repeated.

Does that work?
Aerin no está en línea   Reply With Quote
Old July 16th, 2010, 02:08 PM   #2250
watcher09
One Of A Kind!

watcher09's Avatar

Join Date: Aug 2009
Location: My City
Posts: 1,847
Likes (Received): 177

Quote:
Originally Posted by Aerin View Post
I appreciate the responses

Modified rule: the first two letters of the root word are repeated.

Does that work?
Pwede. But what about Rey Valera's "Kung Tayo'y Magkakalayo"?
What about this - "Sila ay magkakasama ng umalis." Would you say, " Sila ay magkasasama ng umalis."
Maybe the rule is for those words beginning with "naka" only.

Taken from the work of Rosario Almario - "Ang Mananayaw" here in this thread:

—Tila nagkákagustó sa iyó....

—ˇNagkákagustó! ... żDiyatŕ? żdiyatŕ't si Pati'y nagkákagustó sa akin?
watcher09 no está en línea   Reply With Quote
Old July 16th, 2010, 03:04 PM   #2251
Maxxclip
Maximus Expelliarmus

Maxxclip's Avatar

Join Date: Jul 2007
Posts: 1,584
Likes (Received): 5

Quote:
Originally Posted by watcher09 View Post
Pwede. But what about Rey Valera's "Kung Tayo'y Magkakalayo"?]
there's always an exception to every rule

Quote:
Originally Posted by watcher09 View Post
What about this - "Sila ay magkakasama ng umalis." Would you say, " Sila ay magkasasama ng umalis."
how about this "Sila'y magksamang umalis" and this "Sila ay magkasamang nagsi-alis"?

Last edited by Maxxclip; July 16th, 2010 at 03:09 PM.
Maxxclip no está en línea   Reply With Quote
Old July 16th, 2010, 03:46 PM   #2252
watcher09
One Of A Kind!

watcher09's Avatar

Join Date: Aug 2009
Location: My City
Posts: 1,847
Likes (Received): 177

Quote:
Originally Posted by Maxxclip View Post
there's always an exception to every rule

how about this "Sila'y magksamang umalis" and this "Sila ay magkasamang nagsi-alis"?
Hi Maxxclip! Nice to meet you again here.

We use "magkasama" for two people only. Whereas, for three or more people, we use "magkakasama".

Yup, we use "umalis" and "nagsi-alis" interchangeably. Also, "nagsi-alisan".
watcher09 no está en línea   Reply With Quote
Old July 17th, 2010, 02:21 AM   #2253
Maxxclip
Maximus Expelliarmus

Maxxclip's Avatar

Join Date: Jul 2007
Posts: 1,584
Likes (Received): 5

that was enlightening

BTW, so glad to see too!
Maxxclip no está en línea   Reply With Quote
Old July 20th, 2010, 09:26 AM   #2254
Maxxclip
Maximus Expelliarmus

Maxxclip's Avatar

Join Date: Jul 2007
Posts: 1,584
Likes (Received): 5

Salitang Salitain

Palawigin at Pahabain

Nais ng pangulo na palawigin pa ang batas militar.
Nais ng mga mambabatas na pahabain pa ang termino ng pangulo.
Maxxclip no está en línea   Reply With Quote
Old July 29th, 2010, 09:27 AM   #2255
pi_malejana
Registered User

pi_malejana's Avatar

Join Date: Jul 2007
Location: New York, Antipolo, Pangasinan
Posts: 6,119
Likes (Received): 122

may tanong lang ako...

ano po ba tama??

"labinwalo"
"labingwalo"
"labing-walo"

http://sagitnangbagyo.blogspot.com/
BF for VP!!
pi_malejana está en línea ahora   Reply With Quote
Old July 29th, 2010, 01:35 PM   #2256
watcher09
One Of A Kind!

watcher09's Avatar

Join Date: Aug 2009
Location: My City
Posts: 1,847
Likes (Received): 177

Quote:
Originally Posted by pi_malejana View Post
may tanong lang ako...

ano po ba tama??

"labinwalo"
"labingwalo"
"labing-walo"

For me, it's "labing-walo". If we don't put a hyphen, thus:
labingisa, labingdalawa, labingtatlo, labingapat, labinganim,
labingpito, labingwalo, labingsiyam. Pangit 'di ba?
watcher09 no está en línea   Reply With Quote
Old July 31st, 2010, 02:35 AM   #2257
Aerin
Registered User

Join Date: May 2008
Posts: 93

Going back to the discussion on verb conjugations, I saw this on wikipedia:

http://en.wikipedia.org/wiki/Tagalog..._.28Pandiwa.29

Trying to understand all of it made my head hurt . Where does "magkakalayo" fit in? Actor Trigger II - Contemplative? I don't know how people are able to learn Tagalog. I think I just did it by ear--for sure I don't go through an analysis of whether objects are being permanently changed or just going through a surface change, or moved away, etc.
Aerin no está en línea   Reply With Quote
Old August 15th, 2010, 10:07 AM   #2258
TheAvenger
Guardian Angel

TheAvenger's Avatar

Join Date: Apr 2006
Location: Erehwon
Posts: 1,161
Likes (Received): 283

Title: Alamat ng Ilang-Ilang

Author: Jose N. Sevilla

http://www.gutenberg.org/files/13156...-h/13156-h.htm
TheAvenger no está en línea   Reply With Quote
Old August 15th, 2010, 10:13 AM   #2259
TheAvenger
Guardian Angel

TheAvenger's Avatar

Join Date: Apr 2006
Location: Erehwon
Posts: 1,161
Likes (Received): 283

Title: ˇCAIŃGAT CAYO!
Sa mańga masasamang libro,t, casulatan

Author: Fr. José Rodriguez

http://www.gutenberg.org/files/18141...-h/18141-h.htm

Transcriber's Note: The following collector's foreword is being included in this edition although it does not form part of the original publication.

"This pamphlet was distributed almost for free in 1888 to malign Dr. Rizal and his writings. The author is a spanish priest of the Augustinian order.

On August 3 of the same year, Marcelo H. Del Pilar writing under the name "Dolores Manapat" wrote a pamphlet in answer to Fr. Rodriguez's work which he entitled "KAIIGAT KAYO" (Be slippery as an eel).

It could be said that the malicious work of Fr. Rodriguez became the spark that ignited and destroyed the power of Spain over the Philippines.

J.C. Balmaseda-J.C.B."

Paalala ng nagsalin: Ang sumusunod na pasimula ng taga pag-ingat ng libro ay isinasama sa edisyong ito bagaman hindi kasama sa orihinal na pagkakalimbag.

"Ang polyetong ito'y ipinangalat nang walang bayad halos noong taong 1888 bilang paghamak kay Dr. Rizal at sa mga akda nito. Ang may katha ay isang paring kastila sa pangkat ng mga agustino.

Noong ika-3 ng Agosto ng taon ding yaon, ang polyetong ito ay tinugon ni Marcelo H. del Pilar sa isang polyeto ring pinamagatan namang "KAIIGAT KAYO" na may lagdang "Dolores Manapat".

Masasabing ang 'kalikutang' ito ni Fr. Rodriguez ay siyang naging titis na nagsiklab at siyang pumugnaw sa Kapangyarihan ng Espanya sa Pilipinas.

J.C. Balmaseda-J.C.B."

Caińgat ńga cayo sa mang̃a masasamang libro,t, casulatan, sapagca,t, dapat ninyong tantoin na may isang cautusan ang santa Iglesiang Ina natin na ipinagbabaual ang pagbasa nang mang̃a masasamang libro,t, casulatan, pati nang pag-iing̃at at pagcacalat noon; at ipinag-uutos pa na ang sino mang magcamayroon nang gayong libro,i, ibigay agad sa mang̃a Puno nang santa Iglesia, sa Confesor cun sa Amang Cura caya; at cun sacali,t, di maibibigay ay sunuguin man lamang tambing. At ang utos na ito,i, Páhiná 2mahigpit na di sapala, na cun di ninyo ganapin ay icapagcacasala ninyo nang casalanang daquila, at cun magcaminsa,i, maguiguing excomulgado pa cayo dahil sa pagbasa noon. Caya cun cusain ninyong basahin ang isang librong natatalastas ninyong baual nang santa Iglesia ay magcacamit cayo nang casalanang daquila, at cun sa saui ninyong palad ay abutin cayo nang camatayan sa gayong calagayang ay mapapacasama cayong magpasaualang hangan.

Ang mang̃a Puno nang santa Iglesia, sa macatouid, ang santo Papa at ang mang̃a Poong Cardenal na pinatungculan niya, sampon nang mang̃a Guinoong Obispo, ay mayroon silang capangyarihan macapagbabaual nang balang mamasam-in nilang librong icasasama nang mang̃a calolouang quinacaling̃a nila; at caya ng̃a Páhiná 3catungculan naman nang baua,t, sino mang cristianong sundi,t, ganaping lubos ang canilang mang̃a utos tungcol dito.

Ang balang minamasama,t, ibinabaual nila,i, tinatandaan nama,t, isinasacay sa isang librong pinacalistahan nang mang̃a librong baual at masasama. Ng̃uni,t, palibhasa,i, hindi mangyayaring mabalitaan nila,t, maquita ang lahat na mang̃a masasamang librong ipinagcacalat sa sangcacristianohan; na caya,t, di naman mangyayaring matang̃ing maipagbaual na lahat; at sa cabila nama,i, cun itulot na basahin hangan di tang̃ing ipagbaual ang mang̃a gayong libro,i, macasasamang lubha sa mang̃a caloloua; dahil dito,i, ang santa Iglesia, ang mang̃a nasabing Puno baga nang santa Iglesia, upang mahadlang̃an hangan macacayanan din Páhiná 4lamang, ang gayong mang̃a calaguim-laguim na capahamacan, ay mayroong ibinigay sa atin nang mang̃a utos na paraang pagcacaquilanlan nang mang̃a libro, na, cun di pa tang̃ing ipinagbaual, ay dapat nating parahing baual; at cun sacali,t, basahin ay ipagcacasala natin nang casalanang daquila, na para rin cun basahin ang tang̃i nang ipinagbaual.

Isusunod co ng̃ang sasaysayin dito ang mang̃a pang̃ulong utos na paraang aquing sinabi, at nang mapagquilala mo, guiniguilio cong bumabasa nito, ang dapat mong asalin tungcol dito sa lubhang mahalagang bagay na icaliligtas nang caloloua mo sa capahamacang ualang hangan.

Páhiná 5

Please continue at the below link :

http://www.gutenberg.org/files/18141...-h/18141-h.htm

Last edited by TheAvenger; August 15th, 2010 at 10:18 AM.
TheAvenger no está en línea   Reply With Quote
Old August 15th, 2010, 10:17 AM   #2260
TheAvenger
Guardian Angel

TheAvenger's Avatar

Join Date: Apr 2006
Location: Erehwon
Posts: 1,161
Likes (Received): 283

Masakim

Title: Masakím

Author: Andrés Pascual

http://www.gutenberg.org/files/18386...-h/18386-h.htm

SINO KA?

Hating gabi, madilim, ang mg̃a dahon ng̃ halaman ay nang̃akayuko, ang mg̃a ibon ay di man lamang humuhuni, sa mg̃a hayop mula sa kanikanilang himlayan ay walang maririnig na kahit isang putól na ung̃ol man lamang, ang mg̃a ka-awa-awang mangagawá sa paghanap ng̃ ipagtatawid gutom sa boong maghapon ay payapang payapang nang̃agpapahing̃alay, ang mg̃a hapó at ng̃aláy nilang bisig sa pag-gawá ay inihahanap ng̃ panibagong lakás, lahat ay tahimik at waring ipinaghehele ng̃ mg̃a walang patlang at malalaking patak ng̃ ulan, ng̃unit, sino yaon?....... isang maitim na aninong naglalagos sa isang makipot na daan! naglalamay at sinasamantala ang gayong kalaliman ng̃ gabi! sino?...... Pumasok sa isang bakuran, yumuko at sumoot sa silong na pantay balikat ng̃ isang bahay na may pangkaraniwang laki.

Páhiná 4
Makaraan ang mg̃a ilang sandali ay huminto ang ulan, nagliwanag at ang lang̃it ay biglang nasabugan ng̃ mg̃a maliliit na mata ni Bathala, noon mg̃a nag-anti-antilaw na bituing nakamamalas ng̃ mg̃a lihim na gawa at pangyayari sa boong magdamag.

Di kaginsa ginsay anasan ang nadinig:

—Sino ka?...ang tanong na mula sa itaas.

—Ako ... ang sagot naman.

—Sinong ikaw?

—Ako, ang iyong minamahal.

—Peping!

—Delang!

—Bakit ka naparito?

—Ayaw ka bang pumarito ako?

—Hindi. Ng̃unit baka magising sila ay ikaw din ang inaalaala ko, di ko matitiis ang mangyayari sakaling maramdaman ka. At bakit ka nagpapakapuyat ay mayroong clase kayo bukas?

—Huag kang malakas magsalita at baka ng̃a sila magising, manaog ka at dito tayo sa halamanan mag-ulayaw, dali na, at dito mo ipalasap ang matatamis mong pagmamahal at gagantihin ko ng̃ mg̃a sariwang ala-ala.

Páhiná 5
—Baka sila magising?....

—Hindi.

Makaraan ang mg̃a ilang mabayanad na yatiit ng̃ sahig ay nabuksan ang tabing ng̃ pinto at sa susung̃aw ang ating binibini; maputi at wari'y isang tala na pang̃inoon ng̃ ibang mg̃a bituin sa kaningning̃an kaya't walang kalulua ang di mamangha sa gayong kagandahan, at pagkapanaog sa isang hagdanang may limang baytang ay sinalubong na ng̃ ating binata at nagyakap ang mag sing irog ˇkay sarap na pagmamahalan! at pagkatapos maigawad ng̃ isá at isa ang nararapat ay nang̃agsiupo sa isang bancong kawayan na nasa ilalim ng̃ isang malabay na puno ng̃ acacia.

—Kay tamis mong magmahal—ang pauna ng̃ binata.

—At hangang kailan mo ako lilimutin? ang tugon naman ng̃ ating binibini.

Di na nakuhang sumagot pa ang isa at isa at mg̃a lang̃itng̃it ng̃ sahig na muli ang narinig mulá sa itaas.

—ˇNagising! ˇNagising!—ang halos panabay ng̃ dalawa.

Páhiná 6

Isinoot na dali dali ng̃ ating binata ang kaniyang capote at nagkanlong sa puno ng̃ kahoy na nasa gawing likuran ng̃ kanilang pinagulayawan sa nasang makimatyag ng̃ mg̃a mangyayari. Dahan dahang pumanhik ang binibini at pagkatapos ng̃ isang tanong na: "Saan ka nangaling" at sagot dian po lamang sa labas ay wala nang narinig na ano man at ang lahat ay nanauli sa dati kaya't ang ating binata'y nagtuloy ng̃ umuwi at naghintay na lamang ng̃ kinaumagahan.

You may read further at :

http://www.gutenberg.org/files/18386...-h/18386-h.htm
TheAvenger no está en línea   Reply With Quote

Reply

Tags
philippines, pinoy

Thread Tools

Posting Rules
You may not post new threads
You may not post replies
You may not post attachments
You may not edit your posts

BB code is On
Smilies are On
[IMG] code is On
HTML code is Off

All times are GMT +2. The time now is 03:37 AM.

Powered by vBulletin® Version 3.8.8 Beta 1
Copyright ©2000 - 2014, vBulletin Solutions, Inc.
Feedback Buttons provided by Advanced Post Thanks / Like v3.2.5 (Pro) - vBulletin Mods & Addons Copyright © 2014 DragonByte Technologies Ltd.

vBulletin Optimisation provided by vB Optimise (Pro) - vBulletin Mods & Addons Copyright © 2014 DragonByte Technologies Ltd.

SkyscraperCity ☆ In Urbanity We trust ☆ about us | privacy policy | DMCA policy

Hosted by Blacksun, dedicated to this site too!
Forum server management by DaiTengu