|
|
| daily menu » rate the banner | guess the city | one on one |
|
|
#2301 |
|
El Arcángel
Join Date: Mar 2007
Location: Atlanta, Georgia on My Mind
Posts: 4,112
Likes (Received): 2
|
Sa Tabi ng Dagat (By the Sea)
Now this is genuine Tagalog.
http://tagaloglang.com/Philippine-Li...love-poem.html This famous Tagalog love poem was written by Ildefonso Santos in 1897. SA TABI NG DAGAT Marahang-marahang manaog ka, Irog, at kata’y lalakad, maglulunoy katang payapang-payapa sa tabi ng dagat; di na kailangang sapnan pa ang paang binalat-sibuyas, ang daliring garing at sakong na wari’y kinuyom na rosas! Manunulay kata, habang maaga pa, sa isang pilapil na nalalatagan ng damong may luha ng mga bituin; patiyad na tayo ay maghahabulang simbilis ng hangin, nguni’t walang ingay, hangganq sa sumapit sa tiping buhangin... Pagdating sa tubig, mapapaurong kang parang nanginigmi, gaganyakin kata sa nangaroroong mga lamang-lati: doon ay may tahong, talaba’t halaang kabigha-bighani, hindi kaya natin mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdadapit-hapon kata’y magbabalik sa pinanggalingan, sugatan ang paa at sunog ang balat sa sikat ng araw... Talagang ganoon: Sa dagat man, irog, ng kaligayahan, lahat, pati puso ay naaagnas ding marahang-marahan...
__________________
Frankly my dear, I don't give a damn Silver Surfer
|
|
|
|
|
|
#2302 |
|
ᜀᜈᜃ᜔ ᜋ,ᜋ,
Join Date: Apr 2011
Posts: 1,660
Likes (Received): 5
|
nice, only european words was rosas & sibuyas
i would like to see old genuine tagalog "taal na tagalog" poems from the south, northern tagalog have borrowed kapampangan words mixed in it --------------- Kundiman ni Rizal Tunay ngayong umid yaring diwa at puso Ang bayan palibhasa'y api, lupig at sumuko. Sa kapabayaan ng nagturong puno Paglaya'y nawala, ligaya'y naglaho! Datapuwa't muling sisikat ang maligayang araw Pilit na maliligtas ang inaping bayan Magbabalik man din at laging sisikat Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan! Ibubuhos namin ang dugo'y ibabaha Ng matubos lamang ang sa Amang Lupa! Hanggang 'di sumapit ang panahong tadhana Sinta ay tatahimik, tutuloy ang nasa! Sinta ay tatahimik at tutuloy ang nasa! O Bayan kong mahal Sintang Filipinas! Last edited by anak_mm; January 6th, 2012 at 01:36 AM. |
|
|
|
|
|
#2303 |
|
El Arcángel
Join Date: Mar 2007
Location: Atlanta, Georgia on My Mind
Posts: 4,112
Likes (Received): 2
|
Sa Mga Kababayang Dalaga ng Malolos
I enjoy reading this but I had to go slow and linger line by line. Actually I haven't finished the whole piece yet. phwweeewh,
Quite a read coming from this genius. ![]() Filipino national hero was in Europe when he wrote this to the young women of Malolos in February 1889. http://tagaloglang.com/Philippine-Li...g-malolos.html SA MGA KABABAYANG DALAGA SA MALOLOS: Nang aking sulatin ang Noli Me Tangere, tinanong kong laon, kung ang pusuang dalaga'y karaniwan kaya diyan sa ating bayan. Matay ko mang sinaliksik yaring alaala; matay ko mang pinagisa-ngisa ang lahat ñg dalagang makilala sapul sa pagkabatá, ay mañgisa-ñgisa lamang ang sumaguing larawang aking ninanasá. Tunay at labis ang matamis na loob, ang magandang ugalí, ang binibining anyó, ang mahinhing asal; ñgunit ang lahat na ito'y laguing nahahaluan ñg lubos na pagsuyó at pagsunod sa balang sabi ó hiling nang nagñgañgalang amang kalulua (tila baga ang kaluluwa'y may iba pang ama sa Dios,) dala ñg malabis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kamangmañgan kayá: anaki'y mga lantang halaman, sibul at laki sa dilim; mamulaklak ma'y walang bañgo, magbuñga ma'y walang katas. Ñguní at ñgayong dumating ang balitang sa inyong bayang Malolos, napagkilala kong ako'y namalí, at ang tuá ko'y labis. Dí sukat ako sisihin, dí ko kilala ang Malolos, ni ang mga dalaga, liban sa isang Emilia, at ito pa'y sa ñgalan lamang. Ñgayong tumugon kayo sa uhaw naming sigaw ñg ikagagaling ñg bayan; ñgayong nagpakita kayo ñg mabuting halimbawa sa kapuá dalagang nagnanasang paris ninyong mamulat ang mata at mahañgo sa pagkalugamí, sumisigla ang aming pag-asa, inaaglahì ang sakuná, sa pagka at kayo'y katulong na namin, panatag ang loob sapagtatagumpay. Ang babaing tagalog ay di na payukó at luhod, buhay na ang pagasa sa panahong sasapit; walá na ang inang katulong sa pagbulag sa anak na palalakhin sa alipustá at pagayop. Di na unang karunuñgan ang patuñgó ñg ulo sa balang maling utos, dakilang kabaitan ang ñgisi sa pagmura, masayang pangaliw ang mababang luhá. Napagkilala din ninyo na ang utos ñg Dios ay iba sa utos ñg Parí, na ang kabanalan ay hindi ang matagal na luhod, mahabang dasal, malalaking kuentas, libaguing kalmin, kundí ang mabuting asal, malinis na loob at matuid na isip. Napagkilala din ninyo na dí kabaitan ang pagkamasunurin sa ano mang pita at hiling ñg nagdidiosdiosan, kundi ang pagsunod sa katampata't matuid, sapagka't ang bulag na pagsunod ay siyang pinagmumulan ñg likong paguutos, at sa bagay na ito'y pawang nagkakasala. Dí masasabi ñg punó ó parí na sila lamang ang mananagot ñg maling utos; binigyan ñg Dios ang bawat isa ñg sariling isip at sariling loob, upang ding mapagkilala ang likó at tapat; paraparang inianak ñg walang tanikalá, kundí malayá, at sa loob at kalulua'y walang makasusupil, bakit kayá ipaaalipin mo sa iba ang marañgal at malayang pagiisip? Duag at malí ang akalá na ang bulag na pagsunod ay kabanalan, at kapalaluan ang mag isipisip at magnilay nilay. Ang kamangmañgan'y, kamangmañgan at dí kabaita't puri. Di hiling ñg Dios, punó ñg kataruñgan, na ang taong larawan niya'y paulol at pabulag; ang hiyas ñgisip, na ipinalamuti sa atin, paningniñgin at gamitin. Halimbawá baga ang isang amang nagbigay sa bawat isang anak ñg kanikanyang tanglaw sa paglakad sa dilim. Paniñgasin nila ang liwanag ñg ilaw, alagaang kusá at huag patain, dala ñg pag-asa sa ilaw ñg iba, kundí magtulongtulong magsangunian, sa paghanap ñg daan. Ulol na di hamak at masisisi ang madapá sa pagsunod sa ilaw ñg iba, at masasabi ng ama: "bakit kita binigyan ng sarili mong ilaw?" Ñguni't dí lubhang masisisi ang madapá sa sariling tanglaw, sapagka't marahil ang ilaw ay madilim, ó kayá ay totoong masamá ang daan. Ugaling panagot ng mga may ibig mang ulol, ay: palaló ang katiwalá sa sariling bait; sa akalá ko ay lalong palaló ang ibig sumupil ng bait ng iba, at papanatilihin sa lahat ang sarili. Lalong palaló ang nagdidiosdiosan, ang ibig tumarok ng balang kilos ng isip ng DIOS; at sakdal kapalaluan ó kataksilan ang walang gawá kundí pagbintañgan ang Dios ng balang bukang bibig at ilipat sa kanya ang balá niyang nasá, at ang sariling kaaway ay gawing kaaway ng Dios. Dí dapat naman tayong umasa sa sarili lamang; kundí magtanong, makinig sa iba, at saka gawain ang inaakalang lalong matuid; ang habito ó sutana'y walang naidaragdag sa dunong ng tao; magsapinsapin man ang habito ng huli sa bundok, ay bulubundukin din at walang nadadayá kungdí ang mangmang at mahinang loob. Nang ito'y lalong maranasan, ay bumili kayo ng isang habito sa S. Francisco at isoot ninyo sa isang kalabao. Kapalaran na kung pagka pag habito ay hindí magtamad. Lisanin ko ito at dalhin ang salitá sa iba. Sa kadalagahang punlaan ng bulaklak na mamumuñga'y dapat ang babai'y magtipon ng yamang maipamamana sa lalaking anak. Ano kaya ang magiging supling ng babaing walang kabanalan kundí ang magbubulong ng dasal, walang karunuñgan kungdí awit, novena at milagrong pangulol sa tao, walang libañgang iba sa panguingue ó magkumpisal kayá ng malimit ng muli't muling kasalanan? Ano ang magiging anak kundí sakristan, bataan ng cura ó magsasabong? Gawá ng mga ina ang kalugamian ngayon ng ating mga kababayan, sa lubos na paniniwalá ng kanilang masintahing pusó, at sa malaking pagkaibig na ang kanilang mga anak ay mapakagaling. Ang kagulañga'y buñga ñg pagkabatá at ang pagkabata'y nasa kanduñgan ñg ina. Ang inang walang maituturó kundí ang lumuhod humalik ñg kamay, huwag magantay ng anak ng iba sa duñgó ó alipustang alipin. Kahoy na laki sa burak, daluro ó pagatpat ó pangatong lamang; at kung sakalí't may batang may pusong pangahas, ang kapangahasa'y tagó at gagamitin sa samá, paris ng silaw na kabag na dí makapakita kundí pag tatakip silim. Karaniwang panagot ang una'y kabanalan at pagsinta sa Dios. Ñguní at ano ang kabanalang itinuró sa atin? Magdasal at lumuhod ng matagal, humalik ng kamay sa parí, ubusin ang salapí sa simbahan at paniwalaan ang balang masumpuñgang sabihin sa atin? Tabil ng bibig, lipak ng tuhod, kiskis ng ilong..... bagay sa limos sa simbahan, sangkalan ang Dios, may bagay baga sa mundong ito na dí arí at likhá ng Maykapal? Ano ang inyong sasabihin sa isang alilang maglimos sa kayang panginoon ng isang basahang hiram sa nasabing mayaman? Sino ang taong dí palaló at ulol, na mag lilimos sa Dios at magaakalang ang salantá niyang kaya ay makabibihis sa lumikhá ng lahat ñg bagay? Pagpalain ang maglimos sa kapus, tumulong sa mayhirap, magpakain sa gutom; ñguní at mapulaan at sumpain, ang biñgi sa taghoy ng mahirap, at walang binubusog kundí ang sandat, at inubos ang salapí sa mga frontal na pilak, limos sa simbahan ó sa frayleng lumalañgoy sa yaman, sa misa de gracia ng may tugtugan at paputok, samantalang ang salaping ito'y pinipigá sa buto ñg mahirap at iniaalay sa pañginoon ñg maibili ng tanikalang pangapus, maibayad ng verdugong panghampas. Ó kabulagan at kahiklian ng isip! Ang unang kabanalan ay ang pagsunod sa matuid, anoman ang mangyari. "Gawá at hindí salitá ang hiling ko sa inyo" ani Cristo; "hindí anak ni ama ang nagsasabing ulit-ulit ama ko, ama ko, kundí ang nabubuhay alinsunod sa hiling ñg aking ama." Ang kabanalan ay walá sa pulpol na ilong, at ang kahalili ni Cristo'y di kilala sa halikang kamay. Si Cristo'y dí humalik sa mga Fariseo, hindi nagpahalik kailan pa man; hindí niya pinatabá ang may yaman at palalong escribas; walá siyang binangit na kalmen, walang pinapagcuintas, hiningan ng pamisa, at di nagbayad sa kanyang panalangin. Di napaupa si San Juan sa ilog ng Jordan, gayon din si Cristo sa kanyang pangangaral. Bakit ngayo'y ang mga pari'y walang bigong kilos na di may hinihinging upa? At gutom pa halos nagbibili ng mga kalmen, cuentas, correa at ibapa, pang dayá ng salapi, pampasamá sa kalulua; sa pagkat kalminin mo man ang lahat ng basahan sa lupá, cuintasin mo man ang lahat ng kahoy sa bundok ibilibid mo man sa iyong bayawang ang lahat ng balat ng hayop, at ang lahat na ito'y pagkapaguran mang pagkuruskurusan at pagbulongbulongan ng lahat ng pari sa sangdaigdigan, at iwisik man ang lahat ng tubig sa dagat, ay di mapalilinis ang maruming loob, di mapatatawad ang walang pagsisisi. Gayon din sa kasakiman sa salapi'y maraming ipinagbawal, na matutubos kapag ikaw ay nagbayad, alin na ngá sa huag sa pagkain ng karne, pagaasawa sa pinsan, kumpari, at iba pa, na ipinahihintulot kapag ikaw ay sumuhol. Bakit, nabibili baga ang Dios at nasisilaw sa salaping paris ng mga pari? Ang magnanakaw na tumubos ng bula de composicion, ay makaaasa sa tahimik, na siya'y pinatawad; samakatuid ay ibig ng Dios na makikain ng nakaw? Totoo bagang hirap na ang Maykapal, na nakikigaya sa mga guarda, carabineros ó guardia civil? Kung ito ang Dios na sinasamba ñg Frayle, ay tumalikod ako sa ganyang Dios. Maghunos dilí ngá tayo at imulat natin ang mata, lalong laló na kayong mga babai, sa pagka't kayo ang nagbubukas ng loob ng tao. Isipin na ang mabuting ina ay iba, sa inang linalang ng fraile; dapat palakhin ang anak na malapit baga sa larawan ng tunay na Dios, Dios na dí nasusuhulan, Dios na dí masakim sa salapí, Dios na ama ng lahat, na walang kinikilingan, Dios na dí tumatabá sa dugó ng mahirap, na dí nagsasaya sa daing ng naruruhagi, at nangbubulag ng matalinong isip. Gisingin at ihandá ang loob ng anak sa balang mabuti at mahusay na akalá: pagmamahal sa puri, matapat at timtimang loob, maliwanag na pagiisip, malinis na asal, maginoong kilos, pagibig sa kapuá, at pagpipitagan sa Maykapal, ito ang ituró sa anak. At dahil ang buhay ay punó ng pighatí at sakuná, patibayin ang loob sa ano mang hirap, patapañgin ang pusó sa ano mang pañganib. Huag mag antay ang bayan ng puri at ginhawa, samantalang likó ang pagpapalaki sa batá, samantalang lugamí at mangmang ang babaing magpapalaki ñg anak. Walang maiinom sa labó at mapait na bukal; walang matamis na buñga sa punlang maasim. Malaki ngang hindí bahagyá ang katungkulang gaganapin ng babai sa pagkabihis ng hirap ng bayan, nguni at ang lahat na ito'y dí hihigit sa lakas at loob ng babaing tagalog. Talastas ng lahat ang kapanyarihan at galing ng babayi sa Filipinas, kayá ñgá kanilang binulag, iginapus, at iniyukó ang loob, panatag sila't habang ang iba'y alipin, ay ma-aalipin din naman ang lahat ng mga anak. Ito ang dahilan ng pagkalugamí ng Asia; ang babayi sa Asia'y mangmang at alipin. Makapangyarihan ang Europa at Amerika dahil duo'y ang mga babai'y malaya't marunong, dilat ang isip at malakas ang loob. Alam na kapus kayong totoo ñg mga librong sukat pagaralan; talastas na walang isinisilid araw araw sa inyong pagiisip kundí ang sadyang pang bulag sa inyong bukal na liwanag; tantó ang lahat na ito, kayá pinagsisikapan naming makaabot sa inyo ang ilaw na sumisilang sa kapuá ninyo babayi; dito sa Europa kung hindí kayamutan itong ilang sabi, at pagdamutang basahin, marahil ay makapal man ang ulap na nakakubkob sa ating bayan, ay pipilitin ding mataos ñg masantin na sikat ñg araw, at sisikat kahit banaag lamang ... Dí kami manglulumo kapag kayo'y katulong namin; tutulong ang Dios sa pagpawí ñg ulap, palibhasa'y siya ang Dios ñg katotohanan; at isasaulí sa dati ang dilag ñg babaying tagalog, na walang kakulañgan kundí isang malayang sariling isip, sapagka't sa kabaita'y labis. Ito ang nasang lagì sa panimdim, na napapanaginip, ang karañgalan ñg babaying kabiak ñg pusó at karamay sa tuá ó hirap ñg buhay: kung dalaga, ay sintahin ñg binatá, di lamang dahilan sa ganda ó tamis ñg asal, kundí naman sa tibay ñg pusó, taas ñg loob, na makabuhay baga at makapanghinapang sa mahiná ó maruruwagang lalaki, ó makapukaw kayá ñg madidilag na pagiisip, pag isang dalaga bagang sukat ipagmalaki ñg bayan, pagpitaganan ñg iba, sapagka at karaniwang sabi sabi ñg mga kastilá at pari na nangagaling diyan ang karupukan at kamangmañgan ñg babaying tagalog, na tila baga ang mali ñg ilan ay malí na nang lahat, at anaki'y sa ibang lupá ay walá, ñg babaing marupok ang loob, at kung sabagay maraming maisusurot sa mata ñg ibang babai ang babaying tagalog..... Gayon ma'y dala marahil ñg kagaanan ñg labí ó galaw ñg dilá, ang mga kastilá, at parí pagbalik sa Espanya'y walang unang ipinamamalabad, ipinalilimbag at ipinagsisigawan halos, sabay ang halakhak, alipustá at tawa, kundí ang babaing si gayon, ay gayon sa convento, gayon sa kastilang pinatuloy, sa iba't iba pang nakapagñgañgalit; sa tuing maiisip, na ang karamihan ng malí ay gawá ñg kamusmusan, labis na kabaitan, kababaan ñg loob ó kabulagan kayang kalalañgan din nila..... May isang kastilang nagayo'y mataas na tao na, pinakai't pinatuloy natin sa habang panahong siya'y lumiguyliguy sa Filipinas ... pagdating sa Espanya, ipinalimbag agad, na siya raw ay nanuluyang minsan sa Kapangpañgan, kumai't natulog, at ang maginoong babaying nagpatuloy ay gumayon at gumayon sa kanya: ito ang iginanti sa napakatamis na loob ng babayi ... Gayon din ang unang pahili ng pari sa nadalaw na kastila, ay ang kanyang mga masusunuring dalagang tagahalik ng kamay, at iba pang kahalo ang ñgiti at makahulugang kindat ... Sa librong ipinalimbag ni Dn. Sinibaldo de Mas, at sa, iba pang sinulat ng mga pari, ay nalathala ang mga kasalanang ikinumpisal ng babai na di ilinilihim ng mga pari sa mga dumadalaw na Kastila, at kung magkaminsan pa'y dinadagdagan ng mga kayabañgan at karumihang hindi mapaniniwalaan ... Di ko maulit dito ang mga di ikinahiyang sinabi ng isang fraile kay Mas na di nito mapaniwalaan ... Sa tuing maririnig ó mababasa ang mga bagay na ito'y itinatanong namin kung Santa Maria kaya ang lahat ng babaying kastila, at makasalanan na kaya baga ang lahat ng babaying tagalog; ñguni kong sakali't magsumbatan at maglatlatan ng puri'y ... Datapua't lisanin ko ang bagay na ito, sapagka't dí ako paring confesor, ó manunuluyang kastilá, na makapaninirá ñg puri ng iba. Itabi ko ito at ituloy sambitin ang katungkulan ñg babai. Sa mga bayang gumagalang sa babaing para ñg Filipinas, dapat nilang kilanlin ang tunay na lagay upang ding maganapan ang sa kanila'y inia-asa. Ugaling dati'y kapag nanliligaw ang nagaaral na binata ay ipinañgañganyayang lahat, dunong, puri't salapi, na tila baga ang dalaga'y walang maisasabog kundi ang kasamaan. Ang katapang-tapañga'y kapag napakasal ay nagiging duag, ang duag na datihan ay nagwawalanghiya, na tila walang ina-antay kundi ang magasawa para maipahayag ang sariling kaduagan. Ang anak ay walang pangtakip sa hina ñg loob kundi ang alaala sa ina, at dahilan dito, nalunok na apdo, nagtitiis ñg tampal, nasunod sa lalong hunghang na utos, at tumutulong sa kataksilan ñg iba sa pagka't kung walang natakbo'y walang manghahagad; kung walang isdang munti'y walang isdang malaki. Bakit kaya baga di humiling ang dalaga sa iibigín, ñg isang marañgal at mapuring ñgalan, isang pusong lalaking makapag-ampon sa kahinaan ng babai, isang marangal na loob na di papayag magka anak ng alipin? Pukawin sa loob ang sigla at sipag, maginoong asal, mahal na pakiramdam, at huwag isuko ang pagkadalaga sa isang mahina at kuyuming puso. Kung maging asawa na, ay dapat tumulong sa lahat ng hírap, palakasin ang loob ng lalaki, humati sa pañganib, aliwin ang dusa, at aglahiin ang hinagpis, at alalahaning lagi na walang hirap na di mababata ñg bayaning puso, at walang papait pang pamana, sa pamanang kaalipustaan at kaalipinan. Mulatin ang mata ñg anak sa pagiiñgat at pagmamahal sa puri, pagibig sa kapua sa tinubuang bayan, at sa pagtupad ñg ukol. Ulituliting matamisin ang mapuring kamatayan saalipustang buhay. Ang mga babai sa Esparta'y sukat kunang uliran at dito'y ilalagda ko ang aking halimbawa: Nang iniaabot ñg isang ina ang kalasag sa papasahukbong anak, ay ito lamang ang sinabi: "ibalik mo ó ibalik ka," ito ñga umuwi kang manalo ó mamatay ka, sapagkat ugaling iwaksi ang kalasag ñg talong natakbo ó inuwi kaya ang bangkay sa ibabaw ñg kalasag. Nabalitaan ñg isang ina na namatay sa laban ang kanyang anak, at ang hukbo ay natalo. Hindi umiimik kundi nagpasalamat dahil ang kanyang anak ay maligtas sa pulá, ñguni at ang anak ay bumalik na buhay; nagluksa ang ina ñg siya'y makita. Sa isang sumasalubong na ina sa mga umuwing galing sa laban, ay ibinalita ñg isa na namatay daw sa pagbabaka ang tatlong anak niya,—"hindi iyan ang tanong ko ang sagot ñg ina, kundi nanalo ó natalo tayó?—Nanalo ang sagot ñg bayani. Kung ganoo'y magpasalamat tayo sa Dios!" ang wika at napa sa simbahan. Minsa'y nagtagó sa simbahan ang isang napatalong harí nila, sa takot sa galit sa bayan; pinagkaisahang kuluñgin siya doon at patain ñg gutum. Ñg papaderan na ang pinto'y ang ina ang unang nag hakot ñg bato. Ang mga ugaling ito'y karaniwan sa kanila, kayá ñga't iginalang ng buong Grecia ang babaing Esparta. Sa lahat ñg babai, ang pulá ñg isa ay kayo lamang na taga Esparta ang nakapangyayari sa lalaki. Mangyari pa, ang sagot ñg babai, ay kami lamang ang nagaanak ñg lalaki. Ang tao, ñg mga Esparta ay hindí inianak para mabuhay sa sarili, kungdi para sa kanyang bayan. Habang nanatili ang ganitong mga isipan at ganitong mga babai ay walang kaaway na nakatungtong ñg lupang Esparta, at walang babaing taga Esparta na nakatanaw ñg hukbo ng kaaway. Dí ko inaasahang paniwalaan ako alang-alang lamang sa aking sabi: maraming taong dí natingin sa katuiran at tunay, kundí sa habito, sa putí ñg buhok ó kakulangan kayá ng ngipin. Ñguní at kung ang tanda'y magalang sa pinagdaanang hirap, ang pinagdaan kong buhay hain sa ikagagaling ng bayan, ay makapagbibigay ñg tandá sa akin, kahit maiklí man. Malayó ako sa, pagpapasampalataya, pag didiosdiosan, paghalili kayá sa Dios, paghahangad na paniwalaa't pakingang pikit-mata, yukó ang ulo at halukipkip ang kamay; ñguni't ang hiling ko'y magisip, mag mulaymulay ang lahat, usigin at salain kung sakalí sa ngalan ng katuiran itong pinaninindigang mga sabi: Ang una-una. "Ang ipinagiging taksil ñg ilan ay nasa kaduagan at kapabayaan ñg iba." Ang ikalawa. Ang iniaalipustá ng isa ay nasa kulang ñg pagmamahal sa sarili at nasa labis ñg pagkasilaw sa umaalipustá. Ang ikatlo. Ang kamangmañga'y kaalipinan, sapagkat kung ano ang isip ay ganoon ang tao: taong walang sariling isip, ay taong walang pagkatao; ang bulag na taga sunod sa isip ng iba, ay parang hayop na susunod-sunod sa talí. Ang ikaapat. Ang ibig magtagó ñg sarili, ay tumulong sa ibang magtagó ñg kanila, sapagkat kung pabayaan mo ang inyong kapuá ay pababayaan ka rin naman; ang isa isang tingting ay madaling baliin, ñguní at mahirap baliin ang isang bigkis na walis. Ang ika-lima. Kung ang babaing tagalog ay dí magbabago, ay hindí dapat magpalaki ñg anak, kungdí gawing pasibulan lamang; dapat alisin sa kanya ang kapangyarihan sa bahay, sapagka't kung dili'y ipag kakanulong walang malay, asawa, anak, bayan at lahat. Ang ika-anim. Ang tao'y inianak na paris-paris hubad at walang talí. Dí nilalang ñg Dios upang maalipin, dí binigyan ñg isip para pabulag, at dí hiniyasan ñg katuiran at ñg maulol ñg iba. Hindí kapalaluan ang dí pagsamba sa kapuá tao, ang pagpapaliwanag ñg isip at paggamit ñg matuid sa anomang bagay. Ang palalo'y ang napasasamba, ang bumubulag sa iba, at ang ibig paniigin ang kanyang ibig sa matuid at katampatan. Ang ika-pito. Liniñgin ninyong magaling kung ano ang religiong itinuturó sa atin. Tingnan ninyong mabuti kung iyan ang utos ng Dios ó ang pangaral ni Cristong panglunas sa hirap ñg mahirap, pangaliw sa dusa ñg nagdudusa. Alalahanin ninyo ang lahat ñg sa inyo'y itinuturó, ang pinapatuñguhan ñg lahat ng sermon, ang nasa ilalim ng lahat ng misa, novena, kuintas, kalmen, larawan, milagro, kandilá, corea at iba't iba pang iginigiit, inihihiyaw at isinusurot araw-araw sa inyong loob, taiñga, at mata, at hanapin ninyo ang puno at dulo at saka iparis ninyo ang religiong sa malinis na religion ni Cristo, at tingnan kung hindí ang inyong pagkakristiano ay paris ng inaalagang gatasang hayop, ó paris ng pinatatabang baboy kayá, na dí pinatatabá alang alang sa pagmamahal sa kaniya, kundí maipagbili ng lalong mahal at ng lalong masalapian. Magbulay-bulay tayo, malasin ang ating kalagayan, at tayo'y mag isip isip. Kung itong ilang buhaghag na sabi'y makatutulong sa ibinigay sa inyong bait, upang ding maituloy ang nasimulan ninyong paglakad. "Tubó ko'y dakilá sa puhunang pagod" at mamatamisin ang ano mang mangyari, ugaling upa sa sino mang mañgahas sa ating bayan magsabi ng tunay. Matupad nawá ang inyong nasang matuto at harí na ñgang sa halaman ñg karunuñgan ay huwag makapitas ñg buñgang bubut, kundí ang kikitili'y piliin, pagisipin muná, lasapin bago lunukin, sapagka't sa balat ñg lupá lahat ay haluan, at di bihirang magtanim ang kaaway ng damong pansirá, kasama sa binhí sa gitná ñg linang. Ito ang matindin nasá ñg inyong kababayang si JOSÉ RIZAL Europa, 1889.
__________________
Frankly my dear, I don't give a damn Silver Surfer
|
|
|
|
|
|
#2304 |
|
ᜀᜈᜃ᜔ ᜋ,ᜋ,
Join Date: Apr 2011
Posts: 1,660
Likes (Received): 5
|
wow that would take me a few minutes, rizal's orthography was interesting..
he was one of the first to use k, instead of c or q which was a good change eg: old spelling: cain(eat)--> quinain(ate) current spelling : kain(eat)--> kinain(ate) it becomes more consistent & less confusing if we didn't change the orthography, would the KKK be CCC? Last edited by anak_mm; January 6th, 2012 at 02:45 AM. |
|
|
|
|
|
#2305 |
|
El Arcángel
Join Date: Mar 2007
Location: Atlanta, Georgia on My Mind
Posts: 4,112
Likes (Received): 2
|
Cay Celia (Kay Selya)
here's what I think is an even older one, CMIIW. Regardless of the orthography used, still the deep words are awe inspiring, indeed.
http://tagaloglang.com/Philippine-Li...kay-selya.html CAY CELIA Cong pag saulang cong basahin sa isip ang nan~gacaraang arao n~g pag-ibig, may mahahaguilap cayang natititic liban na cay Celiang namugad sa dibdib? Yaong Celiang laguing pinan~gan~ganiban baca macalimot sa pag-iibigan; ang iquinalubog niyaring capalaran sa lubhang malalim na caralitaan. Macaligtaang co cayang di basahin nagdaáng panahón n~g suyuan namin? caniyang pagsintáng guinugol sa aquin at pinuhunan cong pagod at hilahil? Lumipas ang arao na lubhang matamis at ualáng nátira condi ang pag-ibig, tapat na pag suyong lalagui sa dibdib hanggang sa libin~gan bangcay co,i, maidlip. N~gayong namamanglao sa pan~gon~golila ang guinagaua cong pag-alio sa dusa nag daang panaho,i, inaala-ala, sa iyong laraua,i, ninitang guinhaua. Sa larauang guhit n~g sa sintang pincel cusang ilinimbag sa puso,t, panimdim, nag-íisang sanláng naiuan sa aquin at di mananacao magpahangang libing. Ang caloloua co,i, cusang dumadalao sa lansan~ga,t, náyong iyóng niyapacan sa ilog Beata,t, Hilom na mababao yaring aquing puso,i, laguing lumiligao. Di mámacailang mupo ang panimdin sa puno n~g mangang náraanan natin, sa nagbiting bun~gang ibig mong pitasín ang ulilang sinta,i, aquing ináaliu. Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic sa buntong-hinin~ga nang icao,i, may saquit, himutoc co niyao,i, inaaring Lan~git Paraiso namán ang may tulong silíd. Liniligauan co ang iyong larauan sa Macating ilog, na quinalagui-an binabacás co rin sa masayáng doon~gan, yapac n~g paá mo sa batóng tuntun~gan. Nag babalíc mandi,t, parang hinahanp dito ang panahóng masayáng lumipas na cong maliligo,i, sa tubig áagap, nang hindi abutin n~g tabsing sa dagat. Parang naririn~gig ang laguî mong uica "tatlong arao na di nag tatanao tama" at sinasagot co ng sabing may touâ sa isa catauo,i, marami ang handa. Ano pan~ga,t, ualang dî nasisiyasat, ang pagiisipco sa touang cumupas sa cagugunitâ, luha,i, lalagaslás sabay ang taghoy cong "¡ó, nasauing palad!" Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib? ang suyuan nami,i, baquít dí lumauig? nahan ang panahóng isá niyang titig ang siyang búhay co, caloloua,t, Lan~git? Baquit bagá niyaóng cami mag hiualay ay dîpa naquitil yaring abáng búhay? con gunitain ca,i, aquing camatayan, sa puso co Celia,i, dica mapaparam. Itong dî matiis na pagdaralitâ nang dahil sa iyo, ó nalayóng touâ, ang siyang umacay na aco,i, tumulâ auitin ang búhay nang isang na abâ. Celia,i, talastás co,t, malabis na umid, mangmáng ang Musa co,t, malumbay ang tinig di quinabahag-yâ cong hindí malait palaring dinguin mo ng tainga,t, isíp. Ito,i, unang bucal nang bait cong cutad na inihahandóg sa mahal mong yapac tangapin mo nauâ cahit ualang lasáp nagbúhat sa puso nang lingcód na tapát. Cong casadlacán man ng pula,t, pag ayop tubo co,i, daquila sa puhunang pagod, cong binabasa mo,i, isá mang himutóc ay alalahanin yaríng nag hahandóg. Masasayáng Ninfas sa laua nang Bay, Sirenas, ang tinig ay cauili-uili cayó n~gayo,i, siyang pinipintacasi n~g lubháng mapanglao na Musa cong imbi. Ahon sa dalata,t, pangpang na nag liguid tunuhan nang lira yaring abáng auit na nag sasalitáng búhay ma,i, mapatid, tapát na pag sinta,i, han~gad na lumauig. Icao na bulaclac niyaring dili-dili, Celiang saguisag mo,i, ang M. A. R. sa Virgeng mag-Iná,i, ipamintacasi ang tapát mong lingcód na si F. B.
__________________
Frankly my dear, I don't give a damn Silver Surfer
|
|
|
|
|
|
#2306 | |
|
In The Briq
Join Date: Jun 2007
Location: iloilo City: where old charm meets renewed vibrancy; malate; paranaque; quezon city
Posts: 712
Likes (Received): 637
|
Quote:
sweet! thanks you for posting this Tagalog work by an illustrado genius of the first order. there's talk that rizal's 3rd unfinished novel entitled "Makamisa" which he initially endeavored to write in Tagalog eventually evolved into Spanish. this is due to the fact that rizal is more versed writing in spanish than tagalog.
|
|
|
|
|
|
|
#2307 |
|
Registered User
Join Date: Apr 2012
Posts: 13
Likes (Received): 0
|
Pagsasapamantayan ng Tagalog (at hindi ng Filipino)
Alam nating lahat na magkaiba ang mga wikang Tagalog at Filipino. Ang Tagalog ay ang wikang sinasalita ng mga nakatatanda sa Bulakan, Laguna, Batanggas (may dagdag na 'g') at iba pang mga lalawigan (hindi 'probinsya') sa Katagalugan. Sinabi kong 'nakatatanda' sapagkat palasak na ngayon ang 'Taglish'---na nais ko ring tawaging wikang Filipino. Ano nga ba ang Taglish/Filipino? Sa aking pananaw, ito ang bunga ng paghahalu-halo ng mga salitang Inggles (may dagdag na 'g'), na madalas ay ginagawang mala-Tagalog sa pamamagitan ng mala-Tagalog na pagbabaybay (Tagalised spelling), at mga salitang Tagalog na ipinagniniig sa balarilang Tagalog.
Hindi mapagkakaila na Taglish/Filipino ang ginagamit ng mga tauhan sa pangmadlang pamamahayag (media). Nakapanood na ba kayo ng balita na may iilang Inggles na salita? Ako'y naniniwala na ang mga wikang Tagalog at Filipino ay walang pamantayan (standard) sapagkat kakaunti ang mga taong pumupuna sa mga maling nakasulat sa mga lansangan at patalastas. Naaalala ko pa noong ako ay nasa dalubhasaan (college) nang utusan kami ng aming pantas (professor) na sumulat ng isang sanaysay sa Filipino. Matapos niyang ibalik sa amin ang aming akda, kapuna-punang wala siyang ibinigay na puna sa aking pagbaybay ng mga salitang banyaga, lalong higit sa aking balarila. Hindi rahil sa himpit (perfect) ang aking sanaysay, kung hindi rahil sa, maaaring, batid din niyang walang tama o mali sa balarila at palabaybaying Filipino (Filipino orthography). Halimbawa na lamang: 'Madami akong naging references sa librong isinulat ko.' Sa unang tingin, ang pangungusap ay sumusunod sa balarilang Filipino. Totoo, subalit kung tutuusin ay maaari pa itong maiwasto. 'Marami akong naging sanggunian sa aklat na isinulat ko.' Hindi nga ba't ang titik 'd' ay nagiging titik 'r' kung ito'y nasa gitna ng dalawang patinig? Hindi nga ba't mayroon ng salitang Filipino na katumbas ang 'reference' at 'libro' [Espanyol]? Sa aking pananaw, makabubuti sa Katagalugan (kahit hindi na sa buong Filipinas, dahil sa may mga tumutuligsa sa paghirang sa Tagalog na sanggunian ng Filipino) na magkaroon ng isang surian (institute) na magpapaunlad sa ating wika. Ito'y sa kadahilanang ang wika ng isang pangkat ng tao ang salamin ng kanyang pagkakakilanlan (identity) at patunay ng kanyang mausbong na kalinangan (culture). Ang Nippon (hindi 'Hapon') ay may sariling wika. Ang Zhongguo (hindi 'Tsina') ay may sariling wika. Bakit kailangan pang gamitin ang mga salitang banyaga kung mayroon na silang katumbas sa wikang Tagalog? Hindi ba't imbis na magpakita ng katalinuhan at kabihasaan sa pagsasalita ay nagpapakita pa ito ng kamangmangan sa sariling wika? Ano sa tingin ninyo? *Hindi ko hinihimok na ang lahat ng salitang banyaga ay iwaksi ng wikang Tagalog. Ang iminumungkahi ko lang ay ang mga sumusunod: - magkaroon ng isang surian (institute) ang wikang Tagalog na siyang mangagasiwa sa pagsasapamantayan (standardisation) ng kanyang balarila (grammar), talasalitaan (vocabulary) at palabaybayan (ortography/spelling). - gumawa ang surian na ito ng talaan ng mga salitang Tagalog na may katumbas sa Inggles at himukin ang mga guro ng Tagalog na palaganapin na hindi makapamantayan (non-standard) at hindi dapat gamitin ang mga ito sa mga paaralan at lansangan -makipag-ugnayan ang surian sa ABS-CBN, GMA at iba pang mga himpilan ng pangmadlang pamamahayag upang suriin ang wikang ginagamit nila sa balita at mga dokumentaryo |
|
|
|
|
|
#2308 |
|
Registered User
Join Date: Apr 2012
Posts: 13
Likes (Received): 0
|
By the way, I just want to say that I'm advocating the development and standardisation (BrE) of the Tagalog language not because I don't speak English (as a matter of fact I speak British English) but because I'm a Tagalog, and part of my identity is our language.
What saddens me is the fact that a lot of people who are lenient in the use of Taglish are not good English speakers themselves. Instead of being a master of either Tagalog or English, they're mediocre in both languages. |
|
|
|
|
|
#2309 |
|
Green + Maroon = Blue. :D
Join Date: May 2008
Location: Warsaw/Quezon City/Marinduque/Pittsburgh
Posts: 7,627
Likes (Received): 6
|
Naniniwala ako na baka maaaring interesado ka sa mga patakarang pangwika ng Wikipediang Tagalog.
__________________
Welcome to Sky Harbor: A refuge from all of life's tortures, pains and sufferings http://akira123323.livejournal.com Join Wikipedia Takes Manila (Facebook), the Philippines and Southeast Asia's first Wikipedia photo scavenger hunt and contest! |
|
|
|
|
|
#2310 |
|
ᜀᜈᜃ᜔ ᜋ,ᜋ,
Join Date: Apr 2011
Posts: 1,660
Likes (Received): 5
|
gat_mulat tanong lamang... hindi ba na ang "sabi/sabe" ay salitang hiram hango sa wikang Espanyol(saber)? tama ba?
kung ang Tagalog na may halong Espanyol at Inggles ay "Filipino", ano naman ang tawag sa ibang wika sa ating bansa na madalas ding gumamit ng mga salitang hango sa Espanyol at Inggles sa kanilang pananalita (tulad ng Kapampangan, Ilokano at Sugbuanon)? Ngunit sang-ayon ako sa iyo dito.. dapat talaga hinay-hinay lang tayo sa paggamit ng mga salitang galing sa Inggles at Espanyol lalo kung may katumbas naman ito sa sarili nating wika, at dapat maging malikhain ulit tayo sa paggawa ng mga makabagong salita. isang halimbawa ang ginawa ng bansang Turkiya sa kanilang wika basahin dito http://en.wikipedia.org/wiki/Turkish...modern_Turkish Last edited by anak_mm; April 3rd, 2012 at 11:38 AM. |
|
|
|
|
|
#2311 |
|
Registered User
Join Date: Jun 2011
Posts: 36
Likes (Received): 1
|
I like this very much. Very logical and should have been done a long time ago.
I myself suggested something similar. To the topic starter. How would you find this idea? Filipino as a national language. With aprox 10 (the biggest or culturally most important, cause we cant save all 100 languages) regional languages as auxiliary language Filipino being the language that takes all the spanish words that have tagalog doubles for example silla would be Filipino and upuan tagalog. This way we take all the foreign out of tagalog and we add where needed to make tagalog a full language apart from filipino. However dahil mahirap gawin national language ang tagalog, as we all know (It shouldn't even be). So the national language would be Filipino. Kaso filipino and tagalog is the same right? Wrong! As you so explained in perfect Tagalog. Also we could change a little the orthography for filipino , by bring back ll ch and ñ to further differentiate it from the regional languages including tagalog. Plus Filipino would be further developed by filipinizing/hispanicizing english words used in higher education, eliminating the use of english. throw in some nouns verbs and grammar from the regional languages in there to really make Filipino a different language from tagalog. This way we would end up with a unique complete philippine/spanish language for national use. And also 10 regional languages uncorrupted from foreign words and grammar, and further developed in to full languages. Cebuano pure cebuano, Tagalog will be pure Tagalog and for every spanish and english word we will revert back to Tagalog.. Or in the case there is no word for it. Invent one, with the use of tagalog grammar and orthography. |
|
|
|
|
|
#2312 |
|
Green + Maroon = Blue. :D
Join Date: May 2008
Location: Warsaw/Quezon City/Marinduque/Pittsburgh
Posts: 7,627
Likes (Received): 6
|
I've said this before and I'll say it again: even if you remove the words from the lexicon, as long as the grammar is the same, the language is still the same. Ottoman Turkish and modern Turkish may be very different from one another lexically, but they're still logical continuations of the same language owing to their grammar.
__________________
Welcome to Sky Harbor: A refuge from all of life's tortures, pains and sufferings http://akira123323.livejournal.com Join Wikipedia Takes Manila (Facebook), the Philippines and Southeast Asia's first Wikipedia photo scavenger hunt and contest! |
|
|
|
|
|
#2313 |
|
ᜀᜈᜃ᜔ ᜋ,ᜋ,
Join Date: Apr 2011
Posts: 1,660
Likes (Received): 5
|
it think if tagalog & filipino are separate languages... (with the current situation) then filipino has almost no speakers..
because anywhere in the country if you ask anyone what language can they speak they would say tagalog.. very seldom one would say: marunong ako magfilipino... or like nagpipilipino ka? its always nagtatagalog ka? |
|
|
|
|
|
#2314 |
|
Registered User
Join Date: Apr 2012
Posts: 13
Likes (Received): 0
|
Palabaybaying Tagalog ni Gat_Mulat
Mga Tuntunin sa Pagbabaybay 1. Ang Makabagong Abakadang Tagalog A B K D R E F G H I J K L M N Ng O P S Sh T Ch U V W Y Z Ang lahat ng titik sa Abakadang ito ay nagtataglay ng kanilang sariling pangunahing tunog kung ihahambing sa ‘c’ na minsan ay tunog /k/ (car) at kung minsan nama’y /s/ (cell phone). Kabilang sa Abakada ang ‘f’, ‘j’, ‘sh’, ‘ch’, ‘v’ at ‘z’ hindi lang sapagkat sila’y may mga pangunahing tunog, lalo’t higit sapagkat ang wikang Tagalog ay tatanggap ng mga lahok na salita mula sa iba’t ibang wika sa Filipinas at mga wikang banyaga. 2. Ang mga salitang hinango sa ibang wikang Filipino, Austronesian, Sanskrit at Espanyol ay isusulat sa makasumundang [traditional] Tagalog na paraan. Halimbawa: bunduk (mula sa Kapampangan) → bundok pulau (mula sa Malay) → pulo berita (mula sa Sanskrit) → balita caballo (mula sa Espanyol) → kabayo 3. Ang mga salitang hinango sa mga wikang banyaga, lalong lalo na sa English, ay mananatili sa kanilang pagbaybay upang mas lalong manuot sa kaisipan ng mga Tagalog ang tamang baybay ng mga salitang ito sa wikang kanilang pinagmulan. Subalit, ang mga baybay na may mga titik ‘c’, ‘q’ at ‘x’ ay magkakaroon ng ‘k’ o ‘s’ para sa ‘c’, ‘kw’ para sa ‘q’ at ‘-ks’ para sa ‘x’. Ang balaking ito ang maghihimok sa pagpapaunlad ng Philippine English. Hindi rapat magiging malaking balakid ang pagtanggal sa mga titik ‘c’, ‘q’ at ‘x’ sapagkat magiging bihira ang mga salitang English sa talasalitaang Tagalog. Hihimukin ang mga pantas at dalubhasa na maglalang ng mga salitang Tagalog na tutumbas sa mga ito. Tuntunin sa Paglalapi ng Mga Salitang Mula sa Mga Wikang Kanluranin 1. Ang mga salitang English na hindi tinumbasan ng mga bagong lalang na salita ay lalapian gamit ang unang katinig at patinig na tunog nito. Tandaan na ang schwa na tunog sa English ay tutumbasan ng ‘a’. Halimbawa: computer [pangngalan] nagcomputer [pandiwa, pangnagdaan] nagkacomputer [pandiwa, pangkasalukuyan] magkacomputer [pandiwa, panghinaharap] facebook [pangngalan] nagfacebook [pandiwa, pangnagdaan] nagfefacebook [pandiwa, pangkasalukuyan] magfefacebook [pandiwa, panghinaharap] Mga Tuntunin sa Pagbubuo ng Mga Bagong Lalang na Salita 1. Bibigyan ng pangunahing pansin ang mga larangan ng panggagamot (medicine), batas (law), sipnayan (mathematics), lalangkayan (engineering), pambayang ugnayan (public affairs), at ulnayan (social sciences) sa pagbuo ng mga bagong lalang na salita. Ang mga salitang yaon ay manggagaling sa wikang Tagalog o iba pang wikang Filipino. Ipanunukala na ang wikang panturo sa panggagamot, batas, lalangkayan, sipnayan at ulnayan ay wikang Tagalog sapagkat ang karamihan ng mga paglilingkuran ng mga nagsipagtapos sa mga ito ay mga Filipino at hindi mga Englishman o American. Ipanunukala rin na ang mga karatula (sign) sa mga lansangan, pagamutan (hospital), hukuman (court), at tanggapang pampamahalaan (government office) ay nasa wikang Tagalog. 2. Ang mga salitang English na pumasok sa wikang Tagalog bago ang 1950 ay tutumbasan ng mga bagong lalang na salita na nagmula sa wikang Tagalog o iba pang wikang Filipino. Gayunman, ang mga salitang English na pumasok sa wikang Tagalog matapos ang 1950 ay hindi na kinakailangang tumbasan ng mga bagong lalang na salita. 3. Ang ngalan ng mga banwa (state) sa daigdig ay batay sa kanilang ngalan sa kanilang sariling wika. Kung baga, ang ngalan ng mga banwa ay hindi batay sa English. Halimbawa: Japan → Nihon (mula sa Nihonggo at gagawing Tagalog) India → Bharat (mula sa Hindi at gagawing Tagalog) China → Zhongguo (mula sa Zhongwen at gagawing Tagalog) 4. Ang ngalan ng mga buntala (planet), tala (star) at iba pang lawas na langitnin (heavenly body) ay tutumbasan ng mga bagong lalang na salita. Ganito rin ang mangayayari sa mga araw ng linggo (week). Ang linggo ay tutukoy sa week, habang ang Sunday ay magkakaroon ng katumbas sa Tagalog. Ang ‘adlaw’ (mula sa Sugbuhanon—hindi Cebuano) ay ‘Sun’, habang ang ‘araw’ ay ‘day’. Ang ‘bulan’ (mula sa Sugbuhanon—hindi Cebuano) ay ‘moon’, habang ang ‘buwan’ ay ‘month’. |
|
|
|
|
|
#2315 |
|
Registered User
Join Date: Apr 2012
Posts: 13
Likes (Received): 0
|
Unang Hakbang Sa Pagsasapamantayan ng Wikang Tagalog
Palabaybayin ng Makabagong Wikang Tagalog (Ortography of Modern Tagalog) ni Gat_Mulat
Mga Tuntunin sa Pagbabaybay 1. Ang Makabagong Abakadang Tagalog A B K D R E F G H I J K L M N Ng O P S Sh T Ch U V W Y Z Ang lahat ng titik sa Abakadang ito ay nagtataglay ng kanilang sariling pangunahing tunog kung ihahambing sa ‘c’ na minsan ay tunog /k/ (car) at kung minsan nama’y /s/ (cell phone). Kabilang sa Abakada ang ‘f’, ‘j’, ‘sh’, ‘ch’, ‘v’ at ‘z’ hindi lang sapagkat sila’y may mga pangunahing tunog, lalo’t higit sapagkat ang wikang Tagalog ay tatanggap ng mga lahok na salita mula sa iba’t ibang wika sa Filipinas at mga wikang banyaga. 2. Ang mga salitang hinango sa ibang wikang Filipino, Austronesian, Sanskrit at Espanyol ay isusulat sa makasumundang (traditional) Tagalog na paraan. Halimbawa: bunduk (mula sa Kapampangan) → bundok pulau (mula sa Malay) → pulo berita (mula sa Sanskrit) → balita caballo (mula sa Espanyol) → kabayo 3. Ang mga salitang hinango sa mga wikang banyaga, lalong lalo na sa English, ay mananatili sa kanilang pagbaybay upang mas lalong manuot sa kaisipan ng mga Tagalog ang tamang baybay ng mga ito sa wikang kanilang pinagmulan. Subalit, ang mga baybay na may mga titik ‘c’, ‘q’ at ‘x’ ay magkakaroon ng ‘k’ o ‘s’ para sa ‘c’, ‘kw’ para sa ‘q’ at ‘-ks’ para sa ‘x’. Ang balaking ito ang maghihimok sa pagpapaunlad ng Philippine English. Hindi rapat magiging malaking balakid ang pagtanggal sa mga titik ‘c’, ‘q’ at ‘x’ sapagkat magiging bihira ang mga salitang English sa talasalitaang Tagalog. Hihimukin ang mga pantas at dalubhasa na maglalang ng mga salitang Tagalog na tutumbas sa mga ito. Tuntunin sa Paglalapi ng Mga Salitang Mula sa Mga Wikang Kanluranin 1. Ang mga salitang English na hindi tinumbasan ng mga bagong lalang na salita ay lalapian gamit ang unang katinig at patinig na tunog nito. Tandaan na ang schwa na tunog sa English ay tutumbasan ng ‘a’. Halimbawa: computer [pangngalan] nagcomputer [pandiwa, pangnagdaan] nagkacomputer [pandiwa, pangkasalukuyan] magkacomputer [pandiwa, panghinaharap] facebook [pangngalan] nagfacebook [pandiwa, pangnagdaan] nagfefacebook [pandiwa, pangkasalukuyan] magfefacebook [pandiwa, panghinaharap] Mga Tuntunin sa Pagbubuo ng Mga Bagong Lalang na Salita 1. Bibigyan ng pangunahing pansin ang mga larangan ng panggagamot (medicine), batas (law), sipnayan (mathematics), lalangkayan (engineering), pambayang ugnayan (public affairs), at ulnayan (social sciences) sa pagbuo ng mga bagong lalang na salita. Ang mga salitang yaon ay manggagaling sa wikang Tagalog o iba pang wikang Filipino. Ipanunukala na ang wikang panturo sa panggagamot, batas, lalangkayan, sipnayan at ulnayan ay wikang Tagalog sapagkat ang karamihan ng mga paglilingkuran ng mga nagsisipagtapos sa mga ito ay mga Filipino at hindi mga Englishman o American. Ipanunukala rin na ang mga karatula (sign) sa mga lansangan, pagamutan (hospital), hukuman (court), at tanggapang pampamahalaan (government office) ay nasa wikang Tagalog. 2. Ang mga salitang English na pumasok sa wikang Tagalog bago ang 1950 ay tutumbasan ng mga bagong lalang na salita na nagmula sa wikang Tagalog o iba pang wikang Filipino. Gayunman, ang mga salitang English na pumasok sa wikang Tagalog matapos ang 1950 ay hindi na kinakailangang tumbasan ng mga bagong lalang na salita. 3. Ang ngalan ng mga banwa (state) sa daigdig ay ibabatay sa kanilang ngalan sa kanilang sariling wika. Kung baga, ang ngalan ng mga banwa ay hindi ibabatay sa English. Halimbawa: Japan → Nihon (mula sa Nihonggo at gagawing Tagalog) India → Bharat (mula sa Hindi at gagawing Tagalog) China → Zhongguo (mula sa Zhongwen at gagawing Tagalog) 4. Ang ngalan ng mga buntala (planet), tala (star) at iba pang lawas na langitnin (heavenly body) ay tutumbasan ng mga bagong lalang na salita. Ganito rin ang mangayayari sa mga araw ng linggo (week). Ang linggo ay tutukoy sa week, habang ang 'Sunday' ay magkakaroon ng katumbas sa Tagalog. Ang ‘adlaw’ (mula sa Sugbuhanon—hindi Cebuano) ay ‘Sun’, habang ang ‘araw’ ay ‘day’. Ang ‘bulan’ (mula sa Sugbuhanon) ay ‘moon’, habang ang ‘buwan’ ay ‘month’. ipagpapatuloy... |
|
|
|
|
|
#2316 |
|
Green + Maroon = Blue. :D
Join Date: May 2008
Location: Warsaw/Quezon City/Marinduque/Pittsburgh
Posts: 7,627
Likes (Received): 6
|
Gumagamit ako ngayon ng iPod, kaya mamadaliin ko ang aking pagpaskil ng komento dito.Tutol ako sa paggamit ng mga "katutubong" pangalan ng mga bansa at kabansaan (demonyms). Karamihan sa mga bansa ay may katumbas na pangalan sa Tagalog/Filipino bunsod ng kolonyalismo, lalo na sa Europa. Hindi ko alam kung bakit kailangang imungkahi iyan: dudulot po lang iyan ng matinding kalituhan. May iba rin akong mga problema sa mungkahi na aking nakita: maaari ko itong ilahad kapag nakakapaggamit na ako ng kompyuter. Gayundin, naniniwala ako na epektibo pa rin ang mga patakatang pangwika ng Wikipediang Tagalog para sa pagsasapamantayan ng wikang pambansa.
__________________
Welcome to Sky Harbor: A refuge from all of life's tortures, pains and sufferings http://akira123323.livejournal.com Join Wikipedia Takes Manila (Facebook), the Philippines and Southeast Asia's first Wikipedia photo scavenger hunt and contest! |
|
|
|
|
|
#2317 |
|
Registered User
Join Date: Apr 2012
Posts: 13
Likes (Received): 0
|
Iminungkahi ko na gamitin ang katutubong ngalan ng mga banwa upang umiwas sa maka-English o maka-kanluranin na pagtawag sa mga ito. Totoo, ang paggamit sa mga katutubong ngalan ng mga banwa ay maaaring magbunga ng kalituhan lalo na sa mga nakatatanda, subalit magpapalawak din ito ng kamalayan ng mga Tagalog sa iba't ibang wika sa daigdig.
Sa puntong ito, ibig kong bigyan diin na ang layunin ko sa pagsasapamantayan ng Tagalog (at hindi ng Filipino) ay pagkakaroon ng mga Tagalog ng wika na nagpapakita ng kanilang galing at pagkamalikhain-- hindi ang panggagaya bunga ng kanilang kasaysayan. Totoo, ang mga Tagalog ay sinakop ng mga taga-Espanya at taga-US, at tayo'y hinubog ng kanilang pamumuno. Gayunman, hindi nangangahulugang magbubulag-bulagan na lang tayo sa paggaya sa kanilang kalinangan. Ang pagbaybay sa 'computer' na 'kompyuter' ay hindi sang-ayon sa tuntuning 'kung ano ang basa siya rin ang sulat' sapagkat schwa ang una at ikatlong patinig na tunog sa salitang yaon. Lahat ng mga taal na tagapagsalita ng English ay alam iyon. Sa aking mungkahi, mamumulat ang mga Tagalog sa katotohanan na ang English ay hindi makabaybayang (phonetic) wika di tulad ng Tagalog. Ang pagbaybay sa mga salitang English sa paraang talamak sa kasalukuyan ay hindi lamang nagpapakita ng kamangmangan sa English, lalo't higit ng pagsikil sa pagkamalikhain ng mga Tagalog na bumuo ng mga salita na tutumbas sa kanila. |
|
|
|
|
|
#2318 |
|
Registered User
Join Date: Apr 2012
Posts: 13
Likes (Received): 0
|
@Sky Harbor
Nabasa ko na ang patakarang pangwika sa Wikipediang (hindi Wikipedyang sapagkat ang 'e' ay long 'e' sound sa English) Tagalog. Hindi ba't mas nararapat na bansagan itong Wikipediang Filipino sapagkat ito'y 'progresibo' at inaaligan na ang lipunan ang magtakda sa wika? Isang tanong lang, paano maisasapamantayan ang wikang Filipino kung ang mga paham sa dalub-wikaan (linguistics) ay maluwag sa pagtanggap sa kahit anong anyo ng salita (hal. kaniya at kanya)? Hindi ba't mahigpit ang English kung ginagamit ang naturang wika sa balitaan, jaryo (hindi diyaryo), Wikipedia at pamantasang akda (academic work)? May pormal na English at impormal. Ang wikang Filipino mayroon ba? Kung talagang mayroon, kailan mali na gamitin ang 'pyramid' sa isang sulatin? 'Tagilo' ang Tagalog/Filipinong katumbas nito hindi ba? Ako'y naniniwala na hangga't walang ngipin ang 'progresibong' wikang Filipino upang ihayag ang tamang pormal na uri nito mula sa impormal at pangkalyeng uri nito, ang wikang ito ay hindi ituturing ng may paggalang. Mananatili ang English bilang wika ng mga matatalino at may kapangyarihan. =============== Sadyang masalimuot ang pagsasapamantayan ng wikang Filipino, sa aking palagay. Mukhang kailangan kong pag-isipan ng maigi kung talagang nais ko pang kumuha ng Pantas sa mga Sining ng Filipino (MA Filipino [Wika]) sa susunod na semestre. |
|
|
|
|
|
#2319 |
|
Registered User
Join Date: Apr 2012
Posts: 13
Likes (Received): 0
|
@ Sky Harbor
Iminumungkahi ko na gumamit ng 'taga-' bago ang ngalan ng banwa upang tukuyin ang mga mamamayan nito at 'wikang' na susundan ng ngalan ng banwa para sa wika. Halimbawa: Zhongguo (hindi China) > taga-Zhongguo (para sa tao) > wikang Zhongguo Hanguk (hindi Korea) > taga-Hanguk > wikang Hanguk England > taga-England > wikang England o English |
|
|
|
|
|
#2320 | ||||
|
Green + Maroon = Blue. :D
Join Date: May 2008
Location: Warsaw/Quezon City/Marinduque/Pittsburgh
Posts: 7,627
Likes (Received): 6
|
Quote:
At gayundin, nag-iisa ang Tagalog at Filipino. Salamat po. Quote:
Sa puntong iyon, naniniwala ako na dapat binabalanse ang pagkakaintindi (readability) at ang pagpapaunlad ng wika nang sabay-sabay. Hindi iyan nangyayari kung lagi tayong tutuon sa wika ng kalsada, o Taglish, o ang "pinakapayak" na salita. Ilang beses ko nang sinabi sa ilang mga poro na ayon kay Rolando S. Tinio, sobrang anarkiko ang paggamit ng mga Pilipino sa kanilang wika na halos nakalimutan na natin na klasipikado ang wika. Isa iyan sa mga dahilan kung bakit nais isapamantayan ng Wikipediang Tagalog ang diwa ng tamang pormal na Tagalog/Filipino: ang isang uri ng wika na nararapat sa isang ensiklopedya. Quote:
![]() Quote:
Sang-ayon pa rin ako sa mga pangalan ng mga bansa at kabansaan na mula sa Espanyol, at maaari lamang humiram kapag wala itong katanggap-tanggap na salin (ibig sabihin, wala ito sa diksiyonaryo). Halimbawa, mas nais kong sabihin na kasalukuyang naninirahan ako sa Polonya at marunong akong magsalita ng Polako, kaysa sa sabihin ko na kasalukuyang naninirahan ako sa Polska at wikang Polska ang aking sinasalita. Ganoon din sa tao: mas nais kong sabihin na ang dati kong kasama sa dormitoryo ay isang Polako (o Polones), o kaya'y taga-Polonya, kaysa sa sabihin na siya'y taga-Polska. Mas maganda pa rin, sa bigkas at sa estetika, ang kasalukuyang pagkakaayos.
__________________
Welcome to Sky Harbor: A refuge from all of life's tortures, pains and sufferings http://akira123323.livejournal.com Join Wikipedia Takes Manila (Facebook), the Philippines and Southeast Asia's first Wikipedia photo scavenger hunt and contest! Last edited by Sky Harbor; April 17th, 2012 at 03:41 PM. |
||||
|
|
|
![]() |
| Tags |
| filipino, language, media, philippines, pilipino, pinoy, tagalog, wika, wika tagalog |
| Thread Tools | |
| Display Modes | |
|
|