Daang Hari Flyover Construction (April 7, 2018)



No, It's above Aguinaldo Highway.Is that above the Molino road?
xxx
Sa ulat ng GMA News maaga nitong araw ng Linggo, bumagsak ang mga girder sa intersection ng Aguinaldo Highway at Daang-hari Road dakong 11:45 p.m. noong Sabado.
Sa impormasyong nakuha ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi mula sa contractor ng proyekto na JBL William Uy Construction, tumagilid ang pang-anim na girder habang ikinakabit ito sa beam dahil hindi umano sumakto ang dowel sa beam cap.
Nagdomino effect daw kaya pati yung limang naikabit na na girder ay bumagsak din.
Nadaganan ang isang truck na pag-aari ng contractor at ang motorsiklo ng traffic enforcer na nakaparada sa ilalim ng flyover.
Wala namang nasaktan sa insidente dahil agad nakatakbo ang tatlong traffic enforcer at mga tauhan ng contractor.
xxx
Sa tantya ng lokal na pamahalaan aabot sa 20 million pesos ang halaga ng damage.