Skyscraper City Forum banner
1 - 6 of 6 Posts

·
IT and Urban Enthusiast
Joined
·
1,095 Posts
Discussion Starter · #1 ·
Naghahanda na ang Vigan para sa Bagong Govt Center


Dumadami na ang mga dayuhang kapitalista na nabibighani na magtayo ng negosyo sa Ilocos Sur dahil sa potensyal nito sa larangan ng kalakalan, agrikultura at turismo lalo na ngayon na pamoso na ang Heritage City ng Vigan sa buong mundo.

Ito ang inihayag ni Gob. Ryan Singson sa mga foreign investors at opisyal ng iba’t-ibang sangay ng gobyerno at nongovernment organizations (NGO’s) sa naganap na “Flagship Project Briefing” sa Kapitolyo noong nakaraang Linggo tungkol sa itatayong Ilocos Sur Satellite Government Center sa Heritage City.

“Itaguyod natin ang Ilocos Sur, itaguyod natin ang Heritage City ng Vigan sa mga investors para magtayo sila ng maraming industriya para lalong umunlad ang probinsya,” idiniin ni Gob. Singson.”Dahil kung mas maraming negosyo, mas maraming kababayan na may trabaho.”

Sinabi ng dating Kongresista na plano ng provincial government at isang foreign investment company na naka-base sa Kuala Lumpur, Malaysia . na magpapatayo ng Satellite Government Center sa Heritage City na magsisilbing one-stop- shop, may hotel, shopping center at restaurant.

Ang one-stop- shop government center na ito ang magpapabilis sa proseso ng mga papeles o dokumento na kailangan ng mga negosyante o imbestor sa pagpapatayo ng negosyo sa lalawigan alinsunod sa Anti-Red Tape law, iginiit ng gobernador..

Posibleng tanghaling itong economic zone ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) dahil ang maitatayong 7- story building complex sa sentro ng Vigan na katabi pa ng University of Northern Philippines at ang itinatayong Ilocos Sur Convention Center ay magpapausbong ng ekonomya at lilikha pa ng maraming trabaho sa mga kababayang Ilokano, sinabi ng dating Bise Alkalde ng Vigan.

Sa mga itatayong shopping center at food stalls, mai-display at maipagbili ang mga local na produkto tulad ng mga “One Town, One Product” (OTOP) at tradisyonal na industriya ng mga 34 na bayan kabilang na ang Vigan at Candon City, sinabi ng gobernador.

Nabanggit pa niya na sa tabi ng complex, maitatayo pa ang Ilocos Sur Tobacco Museum para maitaguyod at mapreserba ang tatak Ilokanong produkto na Virginia tobacco na makikita dito ang mga lumang kagamitan sa bukirin na ginagamit ng mga nagtatanim ng tabako at iba pang historical facts tungkol sa industriya ng tabako.

Ayon kay Engr. Bong David, presidente ng Alloy MTD Phils. Inc., na ang maitatayong Satellite Government Center ay may business process outsourcing (BPO’s) tulad ng Call Centers, government offices pati mga consular offices ng iba’t-ibang embahada na nais magkaroon ng opisina sa Vigan, na kabilang sa World hHeritage Sites ng UNESCO.

Nakakabit ang 24-hour internet connection sa naturang satellite center at may mga kagamitan o equipment na angkop sa itinakda ng international standards para sa mga international, national o regional conferences at business meetings, sinabi ng dayuhang investor..

Sinabi niya na ang lote ng gobyerno probinsyal ang kontribusyon ng pamahalaan at ang naturang kompanya ang magpapatayo sa nasabing gusali sa pamamagitan ng Build, Operate, Transfer scheme. Ang naturang foreign investor na rin ang mamahala at magpapatkbo sa operasyon nito hanggang mai-transfer sa provincial government. (MCA/BPP/PIA-1 Ilocos Sur)
- See more at: http://news.pia.gov.ph/index.php?article=371403406313#sthash.aElUcStK.dpuf
 
  • Like
Reactions: skyscraper2012

·
IT and Urban Enthusiast
Joined
·
1,095 Posts
Discussion Starter · #6 ·
^^ apologies for having this thread outdated. I'll take photos when I get to Vigan next month. :)
 
1 - 6 of 6 Posts
Top